Noon kasing nakalipas na PBA Philippine Cup ay sumadsad kaagad sa 0-5 record ang Realtors at nahirapan na silang maghabol. Pumangwalo sila sa pagtatapos ng classification round at hindi din sila nakaabot sa quarterfinals.
Si Raheim Brown talaga ang kursunada ni Chua subalit hindi kaagad ito naging available para sa kanilang unang laro kontra Coca-Cola Tigers kung kayat kinuha muna nila si Richard Jetter. Natalo ang Realtors sa Tigers. Pero sa pagdating ni Brown, nagwagi naman ang Sta. Lucia Realty kontra Alaska Aces.
Masasabi rin natin na hindi sukatan sa husay ni Brown ang panalo ng Realtors sa Aces dahil sa hindi nga magaling ang import ni coach Tim Cone na si Leon Derricks. Kumbagay talagang aangat si Brown kay Derricks.
Pero dahil nga sa bilib din naman ang mga locals ng Sta. Lucia sa kanilang bagong import, abay tumataas ang kanilang kumpiyansa.
Sa tutoo lang, isa yun sa qualifications na hinahanap ng isang koponan kapag kumuha ng import. Hindi lang galing ang tinitingnan nila. Importante rin na magkaroon ng chemistry ang import at locals. Importante na nagtitiwala ang locals sa kanya.
Kasi nga, may mga locals na kapag nakitang lalamya-lamya ang kanilang import ay nawawalan na rin ng gana. Oot pabiro lang na sinasabing "Magaling! Magaling mag-English! malakas! malakas kumain!" pero sa puso ng mga locals ay tutoo ito. Hindi lang nila mai-bulalas dahil baka makagalitan sila.
Pero kapag tinanong mo ang isang local player at panay papuri lang ang sasabihin niya patungkol sa kanilang import at walang halong biruan, asahan mong talagang mahusay at inspiring ang import na ito!
Bukod kay Brown ay nakakuha din ng apat na bagong manlalaro si Chua na sa kanyang palagay ay malaki din ang maitutulong. Ipina-migay ng Purefoods sa Sta. Lucia si Gibert Demape na walang kapalit. Lumipat din si Oliver Agapito buhat sa Red Bull Barako. Muling umak-yat sa PBA sina Chester Tolomia ng Welcoat House Paints at Ricky Calimag ng Cebuana Lhuillier-RP Team.
Magagandang acquisitions ang apat na manlalarong ito dahil sakop nila ang tatlong puwesto sa isang koponan. Kaya naman upbeat ang morale ng Realtors.
Siyanga pala, kasama pala sa kasunduan ng Sta. Lucia at Cebuana Lhuillier ang patuloy na paglalaro ni Calimag sa National team na sasabak sa Southeast Asian Games at iba pang international tournaments kabilang na ang pocket tourney ng PBA.
Pumayag ang Sta. Lucia dahil bahagi na rin ito ng pagsuporta nila sa programang pang-basketball ng bansa.