Laban ni Pacquiao panonoorin ni Espi
March 14, 2005 | 12:00am
HOLLYWOOD, California--Sa pagitan ng alas-8 ng gabi noong Sabado, habang nagpe-prepara si Manny Pacquiao sa kanyang pagtulog, biglang tumunog ang kanyang mobile phone.
At ang nasa kabilang linya ay walang iba kundi si Luisito Espinosa na kagagaling lamang mula sa nakakalumpong knockout na kabiguan sa siyudad ng Stockton.
Nahirapan si Espinosa na makuha ang contact number ni Pacquiao kung saan matapos ang halos apat na linggong pagtitiyaga, sa wakas nakausap na rin ng dating world bantamweight at featherweight king ang tinaguriang Peoples champion.
"I told him to come over to Las Vegas and watch my fight (against Erik Morales) on March 19," wika ni Pacquiao sa reporter na ito at sa isa pang writer mula sa Manila-based broadsheet.
Isang aide ni Pacquiao ang nagsabi na nakuha ni Espinosa, na tinanghal na World Boxing Asso-ciation bantam at World Boxing Council (WBC) feather boss ang tamang contact number ni Manny kay Gerry Peñalosa, isa ring ex-world champ na nagti-training sa Florida na malapit rin kay Pacquiao.
Si Espinosa ay tumapak ng pro noong 1984 at naninirahan na sa Amerika sa Bay Area mula noong kalagitnaan ng 1998. (JMMarquez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended