Nakipagtambal si Laborte kay Rubie de Leon para sa 21-11 panalo kontra kina Joyce Ann Realeza at Joan Namuco, habang ang bagong magkapareha naman na sina Tabuena at Erika Tiamzon ay namayani kina Rosalina Gomez at Roma Jaro, 21-9.
Ngunit ang pinakamalaking sagabal sa kanilang landas ay magmumula kina Patriacia Siatan at Jennifer Bohawe ng Philippine Army, na nanaig naman sa tambalan nina Ginaflor Alanguilan at Katherine Rivera, 21-16.
Sa iba pang laro, ang tambalang ng PATTS School of Aeronautics na sina Jevevive Lanueva at Jade Ola ay nagrally mula sa 12-19 ngunit kinapos pa rin upang sumuko kina Jackie Ann Montefrio at Lou Maranon, 21-18.
Naging panauhin at nagsagawa ng ceremo-nial serve sa dalawang araw na volleyball extravanganza sina Che Che Tugbang ng Petron, Ed-win Lozano ng Toyota Pa-song Tamo, Emmy Buccat ng Speedo at Tisha Abundo ng organizing Voltz Management Group. Dumalo din sa simpleng opening ceremony sina Clearwater CEO at President Nino Cinco at managers Richard Halewyck at Jon Vicente.
May nakatayang P10,000 ang ibibigay sa magkakampeon sa Petron-sponsored volley-ball festival na ito na suportado din ng Philippine Charity Sweepstakes Office, PAGCOR at Toyota Pasong Tamo. Ang Speedo ang tofficial outfitter habang Mikasa naman ang official ball.
Ang finals ay ipapalabas sa NBN-4 sa pamamagitan ng delayed basis handog ni Abel Cruz ng ALC Productions at Visible video.
Ang top two teams ay awtomatikong aakyat sa Petron Volleyball National Finals sa Disyembre, ang pagtitipon-tipon ng mga dating kampeon sa serye para sa grand finale na dedetermina sa reyna ng sand courts.