^

PSN Palaro

Mga paborito nanalasa pa rin

-
Nagparada ng bagong ka-partner sina reigning champions Michelle Laborte at Cecille Tabuena ng Philippine Navy ngunit iisa pa rin ang resulta, makaraang magtala ng lospised na tagumpay kontra sa kani-kanilang kalaban para sa magan-dang panimula ng kanilang kampanya sa 1st leg of the 2005 Petron Ladies‚ Beach Volleyball Tournament sa Clearwater Country Club sa Clarkfield, Pampanga kahapon.

Nakipagtambal si Laborte kay Rubie de Leon para sa 21-11 panalo kontra kina Joyce Ann Realeza at Joan Namuco, habang ang bagong magkapareha naman na sina Tabuena at Erika Tiamzon ay namayani kina Rosalina Gomez at Roma Jaro, 21-9.

Ngunit ang pinakamalaking sagabal sa kanilang landas ay magmumula kina Patriacia Siatan at Jennifer Bohawe ng Philippine Army, na nanaig naman sa tambalan nina Ginaflor Alanguilan at Katherine Rivera, 21-16.

Sa iba pang laro, ang tambalang ng PATTS School of Aeronautics na sina Jevevive Lanueva at Jade Ola ay nagrally mula sa 12-19 ngunit kinapos pa rin upang sumuko kina Jackie Ann Montefrio at Lou Maranon, 21-18.

Naging panauhin at nagsagawa ng ceremo-nial serve sa dalawang araw na volleyball extravanganza sina Che Che Tugbang ng Petron, Ed-win Lozano ng Toyota Pa-song Tamo, Emmy Buccat ng Speedo at Tisha Abundo ng organizing Voltz Management Group. Dumalo din sa simpleng opening ceremony sina Clearwater CEO at President Nino Cinco at managers Richard Halewyck at Jon Vicente.

May nakatayang P10,000 ang ibibigay sa magkakampeon sa Petron-sponsored volley-ball festival na ito na suportado din ng Philippine Charity Sweepstakes Office, PAGCOR at Toyota Pasong Tamo. Ang Speedo ang tofficial outfitter habang Mikasa naman ang official ball.

Ang finals ay ipapalabas sa NBN-4 sa pamamagitan ng delayed basis handog ni Abel Cruz ng ALC Productions at Visible video.

Ang top two teams ay awtomatikong aakyat sa Petron Volleyball National Finals sa Disyembre, ang pagtitipon-tipon ng mga dating kampeon sa serye para sa grand finale na dedetermina sa reyna ng sand courts.

vuukle comment

ABEL CRUZ

ANG SPEEDO

BEACH VOLLEYBALL TOURNAMENT

CECILLE TABUENA

CHE CHE TUGBANG

CLEARWATER COUNTRY CLUB

EMMY BUCCAT

ERIKA TIAMZON

GINAFLOR ALANGUILAN

JACKIE ANN MONTEFRIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with