Bagong saltang player din ang naging susi sa panalo ng Express sa katauhan ni Gary David na umiskor ng krusyal na tres na naging daan sa pag-ahon ng FedEx sa 1-1 panalo-talo matapos ang 90-92 pagkakasilat sa Purefoods ma-karaang mauwi sa wala ang naipundar na 19-puntos na kalamangan.
"Im sorry, Im very emotional because Im very happy for my first win in the PBA," wika ni Ramos na humalili kay coach Joe Lipa. "I give credit to my players, they worked hard for this."
Patungo sa huling isang minuto ng labanan, naupos ang siyam na puntos na bentahe ng Barakos, 90-81 nang umiskor si Anthony Mil-ler ng dalawang free-throws upang agawin ang trangko sa 104-103.
Magpapatuloy naman ang aksiyon sa Tacloban, Leyte sa pag-sasagupa ng Alaska at Barangay Ginebra sa Leyte National High.
Kapwa hangad ng Philippine Cup titlists na Gin Kings at ng Aces na makapasok sa win column sa tulong nina imports Eddie Elisma at Leon Derricks na pagtitiyagaan ng Alaska hanggat di pa dumarating si Ajani Williams.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nakikipaglaban para sa ikalawang sunod na panalo ang Purefoods laban sa Shell na hangad namang makabawi sa pagkatalo sa kanilang debut game . (Ulat ni CVO)