^

PSN Palaro

Wala nang panahon

GAME NA! - Bill Velasco -
Walong buwan na lamang bago magsimula ang Southeast Asian Games dito sa atin, at nararamdaman na ng PHILSOC, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee ang init. Sa huling linggo pa lamang, sari-sari nang problema’t intriga ang luma-labas.

Noong nakaraang linggo, pinulong ang mga National Sports Associations upang itaga sa bato na kailangan nilang isumite na ang mga kinakailangang papeles sa POC. Ilan kasing mga NSA ang nagmamatigas at hindi pinapansin ang mga kahilingang ito. Paano nga naman makakatulong ang POC at PSC kung hindi nila alam ang mga pangangailangan ng bawat isang NSA, lalo na’t papalapit na ang SEAG?

Nitong nakaraang mga araw naman, humarap sa senado ang mga pinuno ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission sa mga mambabatas, upang ipaalam din ang kanilang mga problema. Tila bawat taon, binabawasan ng lehislatura ang pondo ng sports sa ating bansa. Sana naman, ang mga kilalang kampeon ng sports tulad ni Sen. Dick Gordon ang sumaklolo sa mga ahensya ng sports na halos maubusan ng dugo sa pagiging volunteer. Mata-tandaang si Gordon ang nagpasimuno ng volunteerism sa Olongapo’t Subic, na siyang kinaunlad nito noong siya’y nakaluklok doon.

Pero may punto rin si Gordon. Nararapat lamang na simulan na ng PSC at POC na gumawa ng istorya, di lamang tungkol sa paghahanap nila ng salapi para sa SEA Games, pero para na rin makilala natin ang mga atleta nating sasabak doon. Ngayon pa lamang, maaari na silang pag-usapan sa telebisyon at mga pahayagan, para naman kilala natin ang mga kakampihan natin.

Noong inorganisa ni Peter Ueberroth ang Los Angeles Olympics noong 1984, tila gumawa siya ng milagro. Una, kumuha siya ng halos 70,000 volunteers. Pangalawa, inatasan niya ang mga isponsor na magtayo ng mga stadium at pagdarausan ng iba-ibang laro. Pangatlo, pinapirma niya ng kontrata ang mga TV sponsors, para may pera siyang paiikutin.

Dito sa atin, malabong mangyari iyon. Una, kalat ang mga laro. Pangalawa, walang magtatayo ng mga bagong gym o stadium, at wala na ring panahon. Pangatlo, di natin alam kung saan magagamit ang pera ng TV sponsors, at karamihan sa kanila’y naghihintay kung papasok sila o hindi. Baka mamaya, brasuhan pa ang mangyari, masuya pa sila sa sports.

Lagpas na ang panahon para mag-inarte. Pukpukin na ang mga NSA na hindi nakikisama. Pag nagkagulo, magtatago lang naman sila, hindi ba? Sa dami ng problema ngayon, ang mga nagiging balakid ay ilalaglag na sa usapan. Lahat ay nagtratrabaho na. Huwag na tayong magpabida.

Di na tayo pwedeng umatras, at napasubo na tayo. Sa halip na ngumawngaw ang iba diyan, tumulong na lang. Di ba?

vuukle comment

DICK GORDON

GORDON

LOS ANGELES OLYMPICS

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

NOONG

PANGALAWA

PANGATLO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with