^

PSN Palaro

Pacman, pinagkaguluhan ng media personalities

-
Inaasahang magiging media event na hahatak sa atensiyon ng marami ang bakbakang Manny Pacquiao at Erik Morales sa Marso 19 kung pagba-basehan ang pagdumog ng US-based media per-sonalities sa press work-out ni Pacquiao.

Base sa ulat ng US-based Pinoy journalist na si Winchell Campos sa website ni Pacquiao, hindi na halos pinabihis ng mga nananabik na mediaman ang Pinoy idol nang simulan nila itong tanungin at kuhanan ng larawan sa pagbaba pa lamang ni ‘Pacman’ sa kanyang SUV. At walang kurap ding sinagot ng makaris-mang People’s champion ang mga katanungan na walang tulong ng inter-preter.

Ang mga manunulat sa iba’t ibang national dailies at pinagpipitagang boxing writers ay ipinakita kung gaano ka-popular si Pacquiao sa Amerika sa paghihintay sa kanya para magtanong. Maging ang mga manunulat sa Latino community at Pinoy press ay naroroon din.

"I never thought that Pacquiao was this good. I saw his previous fight with (Juan Manuel) Mar-quez and he is not the one-dimensional fighter that many writers claim," anang isang Latino writer, na ayaw ipalabas ang kanyang pangalan. "It is going to be a war when he meets Morales," dag-dag pa niya.

Dinumog ng media ang pakikipag-ispar ni Pacquiao kay Jose Sta. Cruz at kay Raymundo Beltran at nasaksihan kung papaano nito dino-mina ang kanyang spar-ring partners. Sa huling round, hinayaan niyang ibigay todo ni Beltran ang kanyang suntok sa kanya hanggang sa matapos ang round na humatak ng paghanga at paniniwa-lang naaabot na ng Pinoy ang kanyang peak form.

Hiniling ng trainer na si Freddie Roach na huwag i-tape o kunan ng letrato na may flash bulbs ngunit ipinakita ni Pacquiao ang kanyang kahandaan na sapat na para sa media-men.

Gayunpaman, sinabi ni Pacquiao na kailangan pa rin niya ng konting ad-justments upang maka-galaw siya ng mas relaks dahil pakiramdam niya ay tensiyonado pa ito.

"I am expected to log in at least 160 rounds of sparring until we close camp on Monday and this fight will be the hardest that I have ever prepared for," ani Pacquiao, na sa ngayon ay may timbang na 129, isang librang kulang sa limit. (Ulat ni DMVillena)

AMERIKA

ERIK MORALES

FREDDIE ROACH

JOSE STA

JUAN MANUEL

PACQUIAO

PINOY

RAYMUNDO BELTRAN

WINCHELL CAMPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with