6'5 center hinugot ng Air Philippines
March 9, 2005 | 12:00am
Nagulat ang lahat ng tawagin ni coach Lawrence Cheongson ang pangalan ng 6-foot-5 center na si Kenneth Co Yu Kang bilang No.1 pick ng Air Philippines kahapon sa drafting para sa 2005 PBL Unity Cup na ginanap kahapon sa Makati Coliseum.
Si Co Yu Kang, fourth year management student sa Jose Rizal University, ay inaasahang magpapalakas ng inside game ng Flight na siyang kulang sa team noong nakaraang kumperensiya na dahilan ng kanilang pangungulelat.
Ang No. 2 pick naman ay ang 65 na si Frankly Nailon mula sa University of Cebu na hinugot ng Toyota-Otis Letran habang ang No. 3 pick ay ang 65 na si Marvin Mercado, isa ring Cebuano, na pinili ng Granny Goose.
Ang iba pang na-draft sa unang round ay sina Romel Dizon, fourth pick ng Magnolia Ice Cream; Carlo Manding, fifth pick ng Montaña Pawnshop; at Jayson Tiongson, seventh pick ng Harbour Centre, tinanggap na provisional guest team ng PBL matapos magdisbanda ang AMP-Ateneo.
Ipinasa ng PBL ang mga players ng Ateneo sa Harbour Centre na sina L.A. Tenorio, Gabby Espinas, Rey Mendoza, Jason Castro, Jenkins Mesina at Magnum Membrere.
Mula sa 70-draft applicants, 19-lamang ang nakuha kahapon.
Ang mga nakuha sa second round ay sina Robert Labagala ng Air Phil, Robert Barnson ng Toyota-Letran, Richard Saladaga ng Granny Goose, Rovie Baguio ng Magnolia, Jeffrey Morial ng Welcoat at Edbert Ton ng Harbour Centre.
Ang Welcoat ay hum-got ng players sa limang rounds upang punan ang kanilang team dahil limang players lamang ang mare-retain sa kanila. (Ulat ni CVO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended