Pacmaniac
March 8, 2005 | 12:00am
Malapit na ang laban ni Manny Pacquiao kontra kay Erik Morales sa MGM Grand Las Vegas.
Halos soldout na raw ang mga tickets for the bout. Lahat na yata ng mga boxing afficionados ay bumili ng tickets sa pinanabikan at hinihintay na fight of the year.
Kung sa media nakakalamang si Morales sa boto, sa bilang ng mga tao hindi pahuhuli si Pacquiao.
Katunayan, grabe ang mga message na natatanggap niya sa kanyang website-- mannypacquiao.ph. At siyempre ang mga Pinoy na nasa abroad ay suportado ang laban ni Pacman.
Isa sa mga katunayan dito, ay ang pagdagsa ng mga manonood at pagtungo nila sa Wild Card Gym para lamang panoorin ang ensayo ng kanilang idolo.
May mga nag-oorganisa pa ng mga party para kay Pacquiao at higit sa lahat may nagpapa-imprenta ng t-shirts at may nagko-compose ng kanta para sa kanya.
Mabigat ang timbang ni Manny para sa mga tagahanga hindi lamang sa Pinas kundi sa abroad.
Sa sobrang pag-iidolo nga kay Pacquiao, gamit nila ang mga ini-endorsong produkto ni Pacman tulad ng No Fear sportswear, umiinom ng Red Bull at maging ang mga paborito ng Pinoy boxer ay alam nila.
Ganun ka-grabe ang paghanga nila kay Pacquiao.
At marahil hindi lamang sa suntukan mananalo si Manny kundi maging sa kanyang message sa kanyang website ay panalo din ito. Talagang binubuksan ng mga kababayan para lamang makapagpadala sila ng mensahe sa kanilang idolo bago ito umakyat sa ring sa Marso 19 (Marso 20 sa Manila).
Kaya naman marami din ang nananalangin para sa ikatatagumpay ni Manny Pacquiao dahil hindi lamang pansariling tagumpay ito kundi ng buong Pilipinas.
Bongga ang PBA at may game pa sila sa Indonesia. Actually maraming out-of-town games na naka-schedule ang PBA for this conference. May games sila sa Tacloban, Davao, Cagayan de Oro, Zamboanga, GenSan, Bogo Cebu, Capiz, Bohol, Cavite, Dagupan, Puerto Princesa, Lucena, at Urdaneta.
Abangan nyo na ang mga paborito niyong team!
Halos soldout na raw ang mga tickets for the bout. Lahat na yata ng mga boxing afficionados ay bumili ng tickets sa pinanabikan at hinihintay na fight of the year.
Kung sa media nakakalamang si Morales sa boto, sa bilang ng mga tao hindi pahuhuli si Pacquiao.
Katunayan, grabe ang mga message na natatanggap niya sa kanyang website-- mannypacquiao.ph. At siyempre ang mga Pinoy na nasa abroad ay suportado ang laban ni Pacman.
Isa sa mga katunayan dito, ay ang pagdagsa ng mga manonood at pagtungo nila sa Wild Card Gym para lamang panoorin ang ensayo ng kanilang idolo.
May mga nag-oorganisa pa ng mga party para kay Pacquiao at higit sa lahat may nagpapa-imprenta ng t-shirts at may nagko-compose ng kanta para sa kanya.
Mabigat ang timbang ni Manny para sa mga tagahanga hindi lamang sa Pinas kundi sa abroad.
Sa sobrang pag-iidolo nga kay Pacquiao, gamit nila ang mga ini-endorsong produkto ni Pacman tulad ng No Fear sportswear, umiinom ng Red Bull at maging ang mga paborito ng Pinoy boxer ay alam nila.
Ganun ka-grabe ang paghanga nila kay Pacquiao.
At marahil hindi lamang sa suntukan mananalo si Manny kundi maging sa kanyang message sa kanyang website ay panalo din ito. Talagang binubuksan ng mga kababayan para lamang makapagpadala sila ng mensahe sa kanilang idolo bago ito umakyat sa ring sa Marso 19 (Marso 20 sa Manila).
Kaya naman marami din ang nananalangin para sa ikatatagumpay ni Manny Pacquiao dahil hindi lamang pansariling tagumpay ito kundi ng buong Pilipinas.
Abangan nyo na ang mga paborito niyong team!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest