^

PSN Palaro

PBA Reinforced Conference : 6 pang imports magpapasiklaban

-
Makikilatisan na ngayon ang huling anim sa 10-imports ng PBA Reinforced Conference na tinaguriang Fiesta Cup sa tatlong larong sabay na gaganapin dito sa bansa at sa Jakarta, Indonesia.

Masusukat ang galing ng mga bagong saltang sina Anthony Miller ng FedEx, Dalron Johnson ng Red Bull at Antonio Smith ng Purefoods kasama ang balik PBA-import na si Eddie Elisma ng Barangay Ginebra sa dalawang sultadang nakatakda sa Araneta Coliseum.

Sina Earl Ike ng Talk N Text at Wesley Wilson ng Shell Velocity naman ang magpapasiklab sa kauna-unahang overseas game ng PBA na gaganapin sa Britama Arena Sports Mall sa Jakarta sa alas-6:30 ng gabi.

Makakatapat ng dating Purefoods import na si Elisma ang 6-foot-9 import ng Philippine Cup champion na Ginebra, ang bagong mukhang si Johnson, may taas na 6’10 na inaasahang bibi-bit sa Barakos sa alas-6:30 ng gabing sagupaan bilang main game sa Araneta Coliseum.

Mauuna rito, magkakasukatan naman ng galing sina Smith at Miller sa pambungad na laban sa ganap na alas-4:10 ng hapon.

Sa apat na imports na nasilayan noong opening day ng ikalawang kumperensiyang ito ng 2004-2005 season ng PBA, tanging ang San Miguel import lamang na si Chris Burgess ang may magan-dang ipinakita.

Nasapawan naman ng husto si Alaska import Leon Derricks ni Burgess na naging susi sa 82-73 panalo ng Beermen laban sa Aces sa kanyang 20-20 performance matapos humakot ng 22-puntos at 22 rebounds.

Matapos ang masaklap na kabiguan, isa pang dagok ang natikman ng Alaska team nang madiskubre nilang nilooban ang kanilang locker room pagkatapos ng laro kung saan nanakaw ang ilang cellphones at wallet ng ilang players. (Ulat ni CVOchoa)

ANTHONY MILLER

ANTONIO SMITH

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

BRITAMA ARENA SPORTS MALL

CHRIS BURGESS

DALRON JOHNSON

EDDIE ELISMA

FIESTA CUP

LEON DERRICKS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with