^

PSN Palaro

P200 MILYONG UTANG

GAME NA! - Bill Velasco -
Ano na ba ang nangyari sa Summit Sports World, Inc., ang kompanyang nangakong popondohan ang TV coverage ng PBA sa NBN noong 2003? Bakit tila naglaho na ang kaso, at naiwanang nakabitin ang diumano’y humigit-kumulang na P200-milyong utang sa PBA, NBN, IBC at mga iba-ibang nagbigay ng serbisyo?

Ayon sa mga opisyal ng NBN noong panahong iyon, nangako ang Summit Sports, sa pamamagitan ng pinuno nitong si Fidel Cu, na popondohan nila ang TV coverage ng PBA, kasama ang P200-milyong franchise fee. Nagkasundo rin ang dalawang panig na ilalabas ng sabay sa IBC-13 ang mga laro, sa paniniwalang ang dagdag na kita ay lalagpas sa napakalaking gagastusin sa airtime. Ang NBN ang magsisilbing prodyuser, at bibili ng airtime sa IBC.

Para siguraduhing babalik ang pera, kinuha ng NBN ang serbisyo ng Video Arts, Inc., na pinamumunuan ni Boy Santiago. Si Santiago ay beteranong marketer ng mga sports events, at matagumpay na nagbenta ng mga coverage ng Olympics, SEA Games at MBA. Siya ang kasalukuyang naghahanap ng isponsor ng TV coverage ng darating na Southeast Asian Games.

Dahil alam ng network na mahihirapan silang solohin ang trabaho, kinontrata rin nila ang ilan sa mga datihan nang mga prodyuser, writer, brodkaster at maging ang grupong naghahatid sa atin ng programang The Basketball Show, para lamang maging pulido ang trabaho.

Maganda ang takbo ng lahat sa simula. Subalit, pinalitan ng grupo ng Summit ang Video Arts, bagamat marami na siya umanong nakuhang advertiser. Dito nagsimulang magkagulo. Matapos ang ilang linggo, napansin na nagiging madalang ang pagbayad mula sa Summit. Unti-unting nagkaproblema ang PBA at NBN sa pagbayad ng airtime sa IBC. Sa katunayan, ilang ulit na iminungkahi ng mga board members ng IBC na itigil na ang pagpapalabas ng PBA, dahil karaniwang binabayaran ang airtime bago ipalabas ang programa.

Nakipagkita si Rolando Silva, executive vice-president at chief finance officer ng Summit, at ang abogado nilang si Epimaco Mag-pantay, sa mga suppliers upang mangako na mababayaran sila. Subalit nagkaroon ng mga pagdinig sa Pasay Regional Trial Court, at, pagdaan ng panahon, wala nang balita mula sa Summit. Samantala, labis ang hirap na pinagdaanan ng PBA, NBN, IBC at ng mga nagsilbi sa TV coverage. Hinahanapan ng paraan ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) ang pagkolekta mula sa Summit.

Tinangka ng inyong manunulat na makausap si Atty. Magpantay, subalit matapos ang higit sa 50 tawag sa kanyang cell phone, tahanan at opisina, hindi siya sumasagot. Sarado na rin diumano ang mga naging tanggapan ng Summit sa Makati at Pasay. Paano na ang lahat na pinagkakautangan nila, at ang perwisyong dinulot nila sa PBA, NBN, IBC, at mga tao’t kompanyang nakipagkasunduan sa kanila?

BASKETBALL SHOW

BOY SANTIAGO

EPIMACO MAG

FIDEL CU

IBC

NBN

OFFICE OF THE GOVERNMENT CORPORATE COUNSEL

SUMMIT

VIDEO ARTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with