^

PSN Palaro

Red Lions taob sa Dolphins

-
DUMAGUETE City--Naglabas ng mahusay na depensa ang Philippine Chris-tian University upang pataubin ang San Beda College, 82-73 at ibulsa ang korona sa inter-secondary competition ng National Students Basketball Championship sa Lamberto Macias Cultural and Sports Centre dito.

Nagsanib ng puwersa ang magkapatid na sina Allan at James Mangahas at ang 6’7 na si Rabeh Al-Hussaini upang tanggalan ng korona ang two-time defending champion Red Cubs na tangkang maka-sungkit ng grandslam sa isang linggong tournament na ito na magkatulong na inorganisa ng Basketball Association of the Philippines (BAP) at ng provincial government ng Negros Oriental.

Tumapos si Al-Hussaini, isang Fil-Iraqi ng 21 puntos kung saan siya ang naging instrumento upang malimitahan ang mga malalaking tao ng San Beda at nakaraang taong MVP na si JR Taganas sa 11 puntos.

Kumana rin si Allan Manga-has ng 21 puntos, habang ang kanyang nakakatandang kapatid na si James ay nagdagdag ng 15 puntos kabilang ang apat na krusiyal na basket sa fourth quarter.

Nauna rito, tinalo naman ng St. Clare College (Caloocan) ang Holy Child of Davao, 104-79 para sa ikatlong posisyon na pagtatapos sa kanilang kauna-unahang paglahok sa inter-secondary side ng tournament na ito.

ALLAN MANGA

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

HOLY CHILD OF DAVAO

JAMES MANGAHAS

LAMBERTO MACIAS CULTURAL AND SPORTS CENTRE

NATIONAL STUDENTS BASKETBALL CHAMPIONSHIP

NEGROS ORIENTAL

PHILIPPINE CHRIS

RABEH AL-HUSSAINI

RED CUBS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with