PBA Reinforced Conference: Buwenamanong panalo sa balik-coach na si Altamirano

Buwenamanong panalo ang tinanggap ng balik PBA coach na si Eric Altamirano matapos ang 76-65 tagumpay ng Coca-Cola laban sa Sta. Lucia Realty sa pagbubukas ng PBA Reinforced Conference na nagbukas kagabi sa PhilSports Arena sa Pasig.

Pinunan ni John Arigo ang nakakadismayang performance ng kanilang import na si Jaja Richards sa kanyang debut game sa pagkamada ng 19-puntos, 13 nito ay sa ikaapat na quarter.

Matapos masibak si Richards na tumapos lamang ng walong puntos, 6:23 pa ang nalalabing oras sa ikaapat na quarter, umangat si Arigo para pagbidahan ang 19-3 salvo at umahon mula sa 49-54 deficit at kunin ang 13-puntos na kalamangan, 70-57 papasok sa huling dalawang minu-to ng labanan.

Tulad ni Richards, na-kakadismayang performance din ang ipinakita ni Richard Jeter na nagtala lamang ng anim na puntos para sa Realtors na pinangunahan ni Marlou Aquino sa pagkamada ng 20-puntos.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang San Miguel Beer at Alaska bilang main game kagabi.

Show comments