^

PSN Palaro

US DOCUMENTS HINDI EBIDENSIYA LABAN KAY ASI – FRANCISCO

-
Ang US documents na sinasabi ni DoJ Secretary Raul Gonzales na gagamitin nila laban kay Paul Asi Taulava ay walang halaga bilang ebidensiya sa harap ng Court of Appeals (CA), ayon kay Atty. Eduardo E. Francisco.

Ipinaalala kahapon ni Francisco, abogado ni Taulava, kay Gonzales na hindi tumatanggap ang appellate court ng bagong ebidensiya na hindi naman inilabas o sinuri sa maba-bang korte kung saan nanggaling ang desisyon na iniaapela sa CA.

"The DoJ had its chance to prove its allegation against Taulava before the proper forum -- the Manila RTC," wika ni Francisco. "But believe it or not, the DoJ did not submit a single piece of evidence at the RTC to buttress its claim that Asi should be deported for allegedly faking his citizenship papers."

Idinagdag ni Francisco na noong Mayo ng 2004 ay ha-wak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang do-kumentong galing sa US Homeland Security Agency ngunit di ito ini-offer ng DoJ o BI bilang ebidensiya sa Manila RTC.

Ngunit kung ginamit man ng DoJ na ebidensiya ang nasabing US documents sa lower court, sinabi ni Francisco na hindi naman patunay ang mga ito na hindi Pilipino si Taulava.

Ayon kay Gonzales, kung si Taulava at ang kanyang inang si Pauline ay "permanent residents" ng US, nanga-ngahulugan na hindi Pilipino si Taulava.

Mali ang pananaw na ito ni Gonzales, ayon kay Fran-cisco, dahil pinapayagan ng US at Philippine immigration laws ang pagkakaroon ng permanent US resident status ng mga Filipino citizen. Ito ang dahilan, aniya, kung bakit mara-ming Pilipino ang may US Green Card na patunay lang na residente rin sila ng US, bagamat hindi naman sila US citizens.

Umapela si Francisco kay Gonzales na huwag icircum-vent o palusutan ang utos ng Manila RTC sa DoJ at BI na nagbabawal sa mga ito na kanselahin ang Filipino citizenship ni Taulava.

COURT OF APPEALS

EDUARDO E

GONZALES

GREEN CARD

HOMELAND SECURITY AGENCY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PAUL ASI TAULAVA

PILIPINO

SECRETARY RAUL GONZALES

TAULAVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with