^

PSN Palaro

Eala tinaningan ng Quezon City RTC ng 10 araw

-
Sampung araw na taning ang ibinigay ng Branch 222 ng Regional Trial Court ng Quezon City kay PBA Commissioner Noli Eala para ipaliwanag ang patuloy niyang pag-suway sa January 26 utos ng korte para palaruin na ng PBA si Talk N Text slotman Paul Asi Taulava.

Ang deadline ay ibini-gay ni Judge Rogelio Pizarro kay Eala sa kan-yang February 11 order kung saan ay ibinasura rin ng hukom ang motion for reconsideration ng PBA sa order na ilift na ang suspensiyon ng 6’9 na si Asi.

Si Eala ay puwedeng ipakulong ng korte hang-ga’t hindi nito sinusunod ang utos nito. Si Eala ay sinampahan ni Taulava, sa pamamagitan ng kan-yang abogadong si Eduardo Francisco, ng contempt of court.

Matatandaan na ibi-nigay ni Eala sa Ginebra ang 89-71 panalo ng Talk N Text sa Game 1 ng PBA finals dahil sa paglalaro ni Taulava sa bisa ng kautusan ng Quezon City RTC. Tahasan ring binawalan ni Eala si Taulava na maglaro simula sa Game 2 at maging sa Game 6 kahit pa ibinasura na noon ng korte ang mosyon ng PBA.

Ang forfeiture ni Eala sa Game 1 win ng Phone Pals at ang patuloy niyang pagbabawal kay Taulava ang nag-alis ng ningning sa finals win ng Ginebra, ayon sa maraming fans.

vuukle comment

COMMISSIONER NOLI EALA

EALA

EDUARDO FRANCISCO

GINEBRA

JUDGE ROGELIO PIZARRO

PAUL ASI TAULAVA

QUEZON CITY

SI EALA

TALK N TEXT

TAULAVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with