^

PSN Palaro

Quinones,Barnachea nagwagi

-
Ipinaramdam ni Eusebio Quinones ang kanyang supremidad bilang pinakamahusay na mountain biker sa bansa habang nagpadala naman ng malakas na mensahe si Santy Barnachea tungkol sa kanyang kondisyon ngayong taon ng kapwa maghari ang dalawang beterano sa Pista ng Pag-ibig cycling race na inorganisa ni Mayor Abraham ‘Bambo’ Tolentino.

Tinapos ni Quinones, 2003 Vietnam SEA Games cross country gold medal winner, ang 40.5 km Tagaytay MTB challenge sa loob ng isang oras, 18 minutes at 20.92 segundo, na isa sa sports events na inorganisa ni Tolentino kaalinsabay ng tatlong araw na Pista ng Pag-ibig festivities.

Si Barnachea, Navyman na tulad Quinones at 2002 FedEx Express Tour champion, ay naging masipag sa maikli ngunit mahirap na 64.5km massed start road race, at daigin ang star-studded field patungo sa finish line sa dumaan sa mataas at mahirap akyatin na bayan ng Talisay patungo sa Palace in the Sky sa bilis na 2:01:25.16.

Sinagot ng mga miyembro ng national team at training pool at qualifiers sa Tour Pili-pinas ngayong taon ang start-ing gun na pinaputok ni Tolen-tino sa harap ng city hall na kinapapalooban ng rutang rekomendado para sa 23rd SEA Games sa Nobyembre.

Tumanggap si Quinones ng halagang P10,000 at higan-teng trophy mula kay Tolentino, habang si Barnachea naman na tinanghal na Tagaytay Eagle of the Mountain, at nag-uwi ng P15,000 at isang magandang tropeo.

Ang mga top ten na nagtapos sa road race na pinangasiwaan ng Philippine National Cycling Association na pinamumunuan ni dating Tour champion Paquito Rivas ay sina Reynaldo Navarro (2:01:25.16), Ericson Obosa (2:01:31.14), Enrique Domingo (2:01:31.14), John Ricafort (2:02:03.48), Renato Sambrano (2:05:05.4), Ronnel Hualda (2:05:27.40), Arnel Quirimit (2:06:45.12), Julius Diaz (2:06:45.12) at Lito Atilano (2:06:31.25).

Habang ang kumpletong top 10 naman sa MTB Challenge ay sina Nilo Estayo (1:19:18.90), 2003 SEA Games bronze medalist Frederick Feliciano (1:20:15.00), Alvin Benosa (1:20:18.16), Greg Gines (1:22:20.84), Michael John David (1:23:46.53), Allan Ricafort (1:23:46.53), Elpidio Untalan (1:26:04.78), Bryan Dimacali (1:27:19.7) at Roldan Antonio (1:27:19.77).

ALLAN RICAFORT

ALVIN BENOSA

ARNEL QUIRIMIT

BRYAN DIMACALI

ELPIDIO UNTALAN

ENRIQUE DOMINGO

ERICSON OBOSA

EUSEBIO QUINONES

EXPRESS TOUR

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with