Shakey's V-League Finals: Ngayon na para sa La Salle
February 13, 2005 | 12:00am
Ngayon na ang araw para pursigihin ng La Salle na maagaw ang korona kontra sa defending champion University of Santo Tomas na nagtatangka namang rumesbak sa kanilang pagtatagpo sa Game 2 ng kanilang best-of-three titular showdown sa Shakeys V-League second conference sa Rizal Memorial Coliseum.
Sa isa na namang inaasahang dudumugin ng mga fans upang saksihan ang isa na namang kapana-panabik na bakbakan sa ganap na alas-3:30 ng hapon sa torneong hatid ng Shakeys Pizza at suportado din ng Dunkin Donuts, HBC Home of Beauty Exclusives, Smart at PLDT kung saan ang Mikasa at Accel ang official volleyball at outfitter, ayon sa pagkakasunod, hindi na pakakawalan pa ng Lady Archers ang pagkakataong ito para masungkit ang titulo at higit na patatagin ang koponan bilang pinakamahusay na volleyball team sa bansa.
Nagpakita ng matinding determinasyon, nakabangon ang Lady Archers mula sa hukay at humatak ng dramatikong 27-29, 17-25, 25-22, 25-23, 15-7 come-from-behind victory noong Huwebes sa harap ng nagsisigawang manonood na nagbigay sa UAAP back-to-back titlist ng 1-0 abante.
"Well try to get Game 2 because we know they are capable of coming back if we give them a chance," ani La Salle coach Ramil de Jesus, na nais makaganti sa sweep na nilasap nila sa kamay ng Tigress sa first conference finals noong nakaraang taon.
Nilasap ng Taft-based belles ang momentum patungo sa Game 2 at ang kaalaman na ang tinik sa kanilang kampanya na si Roxanne Pimentel ay hindi lalaro ng 100% dahil sa tinamong sprain sa bukung-bukong sa ikalimang set ng kanilang Game 1.
"Nakakalakad na siya. Hopefully she can play on Sunday, kaya lang sigura-dong hindi siya 100-percent," anaman ni UST mentor August Sta. Maria, na umaasang makakapu-wersa ng decider para sa Martes.
Tulad ng La Salle, umaasa din ang Letran na matatapos na rin nila ang Philippine Sports Commission sa ala-1:30 ng hapong laban para naman sa third place.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended