^

PSN Palaro

Mga bayani ng Finals

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Masyadong natutuon ang pansin ng lahat sa Paul Asi Taulava controversy sa kasalukuyang best-of-seven Finals ng Gran Matador-PBA Philippine Cup sa pagitan ng Talk N Text at Barangay Ginebra kung kaya’t parang makakaligtas sa pananaw ng karamihan ang ganda ng performance ng ilang manlalaro sa serye.

Halimbawa’y si Willie Miller na nakapagtala ng triple double sa Game-Two kung saan natalo ang Phone Pals, 106-105. Sa larong iyon ay gumawa si Miller ng 24 puntos, sampung rebounds at sampung assists.

Aba’t bihira na nga ang triple double sa regular game pero mas bihira ito sa Finals kung saan maigting na talaga ang depensa ng bawat koponan. Pero para makapagtala ng triple double ang isang kagaya ni Miller na hindi naman sentro, ibang klase talaga ang performance na iyon.

Katunayan, muntik nang magkaroon ng triple double si Miller sa Game-One kung saan namayani ang Phone Pals, 89-71. Sa Game-One ay mayroon siyang 14 puntos, sampung rebounds at walong assists.

Ang huling manlalarong nagtala ng triple double sa Finals ay si Danilo Ildefonso ng San Miguel Beer at ito’y nangyari apat na taon na ang nakalilipas. Sentro si Ildefonso. Kung sabagay, pareho lang naman silang Most Valuable Player awardees ni Miller. Si Miller ay naging MVP noong 2002 samantalang si Ildefonso ay dalawang beses na pinarangalan bilang MVP.

Kumbaga, talagang ang mga MVP ay pang-MVP ang performance kapag Finals na!

Bukod kay Miller, nakakagulat din ang performances nina Sunday Salvacion ng Barangay Ginebra at Talk N Text rookie Niño Gelig.

Si Salvacion ang ikalawang pinaka-exposed player sa kampo ng Barangay Ginebra sa likod ni Eric Menk. Siya ay may average na 41 minuto sa unang dalawang laro ng serye kung saan nagtala siya ng 11 puntos, 10.5 rebounds, 0.5 assist, 1.5 steals, 0.5 blocked shot at 2.5 errors.

Kumbaga’y si Salvacion ang siyang ipinalit ni coach Bethune Tanquingcen sa pwestong nabakante dahil sa pagkakaroon ng injury ni Jayjay Helterbrand. Hindi naman point guard si Salvacion at ang inilagay ni Tanquingcen para magtimon sa Gin Kings ay sina Rodney Santos at Mark Caguioa. Pahapyaw lang ang playing time ng substitute point guard na si Aris Dimaunahan.

Pero malaki ang nagiging kontribusyon ni Salvacion at ngayon talaga lumalabas ang natural niya. Matagal na niyang hinintay ito. Talaga namang pwede siyang pakinabangan, e.

Si Gelig, na hindi naman first round pick ng Talk N Text ay nagpapakitang-gilas din. Sa dalawang games ay may average siyang 8.5 puntos, dalawang rebounds, 0.5 assist at 0.5 steal sa 16.5 minuto. Ang matindi diyan ay karelyebo niya si Miller. Kaya naman sa puwesto nilang dalawa’y hindi nagkukulang ang Talk N Text.

Kung isasaisang-tabi lang ang kontrobersya ni Taulava at panonoorin nang objective ang laro, mag-eenjoy din naman ang mga fans, e. Maraming mga bayaning lumulutang at kagigiliwan.

ARIS DIMAUNAHAN

BARANGAY GINEBRA

BETHUNE TANQUINGCEN

DANILO ILDEFONSO

ERIC MENK

GIN KINGS

MILLER

PHONE PALS

SALVACION

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with