^

PSN Palaro

Cebu Dancesport,handa sa SEA Games

GAME NA! - Bill Velasco -
CEBU CITY -- Maraming magandang senyales na makaka-buenamano ang Pilipinas ng ginto sa darating na Southeast Asian Games. At mukhang dito sa Cebu manggagaling ang unang gintong medalya.

Noong nakaraang national ranking tournament ng Dancesport Council of the Philippines (DSCP) na ginawa sa PhilSports Arena noong Disyembre, nagpa-dala ang Team Cebu City Dancesport ng 120 delegado, at humakot ng 17 sa nakatayang 23 gintong medalya. Sa Cebu gaganapin ang unang dancesport competition sa SEA Games.

"Dinamihan na nila ang mga kalahok na puwedeng isali, mula apat hanggang walo," paglalahad ni Edward Hayco, pinuno ng Team Dancesport Cebu City.

"Dahil dito, apat na pares ang puwede na naming isali. Kung papalarin, baka makuha natin lahat ng medalya."

Malaking posibilidad na mangyari iyon. Nang magsimulang lumahok ang grupo nila Hayco sa mga DSCP tournament, isa o dalawang medalya lamang ang kanilang nakukuha. Ngayon, sila na ang namamayani.

Subalit may dagdag na pabigat sa koponan ng Pilipinas sa dance-sport. Hindi pa man nag-uumpisa ang opening ceremonies sa SEA Games, tatapusin na ang dancesport competition sa Waterfront Hotel sa Lahug sa ika-27 ng Nobyembre.

Iilang oras lang naman ang kailangan para malaman kung sino ang magwawagi sa Latin at Standard events.

"Baka gusto na nilang ipaalam na naka-una na tayo ng gintong medalya, para tumaas ang morale ng mga athlete natin," dagdag ni Hayco, isang negosyante na nag-udyok sa ibat ibang grupo ng dancesport sa Cebu na magkaisa.

Dahil maaga silang matatapos, nagbabalak ang Team Dancesport Cebu City na magda-os ng kauna-unahang international open tournament sa susunod na araw, habang nagbabakbakan pa ang ibang atleta ng SEA Games.

"Narito na kasi lahat ng adjudicators (mga hurado), karamihan sa mga participants, at nangako nang susuporta ang Waterfront at Cebu City Sports Commission," pahayag ni Hayco. "Malaki na ang mababawas sa gastos. Hahanapin na lamang namin ang mga isponsor para sa prize money at iba pang gastos."

Sa layo na ng narating ng Team Dancesport Cebu City, natuto na silang mangarap ng malaki. Tutal may pruweba naman na sila, hindi ba?

CEBU

CEBU CITY SPORTS COMMISSION

DAHIL

DANCESPORT

DANCESPORT COUNCIL OF THE PHILIPPINES

EDWARD HAYCO

HAYCO

PILIPINAS

TEAM DANCESPORT CEBU CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with