^

PSN Palaro

PBA mananagot sa batas

-
Ilegal at tuwirang paglabag sa batas at kautusan ng korte ang gagawing pagbabawal ng PBA kay Paul Asi Taulava na makapaglaro sa Game-One ng Gran Matador Philippine Cup ngayon, ayon sa abogado ni Taulava na si Atty. Eduardo Francisco.

Idinagdag ni Francisco na nagkakamali ang PBA kung ang akala nila’y napigil ng kanilang isinumiteng motion for reconsideration ang pagiging enforceable ng writ of preliminary mandatory injunction na ipinalabas ng Quezon City Regional Trial Court.

Ayon pa kay Francisco, mapipilitan siyang gumawa ng legal action para sa contempt of court proceeding kung pipigilan si Taulava na makapaglaro sa pagbubukas ng best-of-seven series ngayon.

Sinabi din ni Francisco na hindi rin puwedeng ipataw ng PBA kay Taulava ang bagong eligibility requirements para sa reinstatement ng isang half-Filipino player dahil aniya’y hindi na bagong manlalaro si Taulava at ayon sa abogado, napatunayan na ng kanyang kliyente ang kanyang ‘eligibility’. (Ulat ni CVO)

AYON

EDUARDO FRANCISCO

GAME-ONE

GRAN MATADOR PHILIPPINE CUP

IDINAGDAG

ILEGAL

PAUL ASI TAULAVA

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

SINABI

TAULAVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with