^

PSN Palaro

NCRAA: Umpisa na ng quarterfinal bukas

-
Hangad ng top qualifier Emilio Aguinaldo College na hatakin sa pitong sunod na panalo sa pagbubukas ng quarterfinal round ng 12th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) men’s basketball tournament bukas sa Pasay Sports Complex.

Ang EAC Generals, na nagtapos sa eliminations na may malinis na 6-0 win-loss slate sa Group A, ay haharap sa Rizal Technological Univ-ersity sa pambungad na laban sa ganap na alas-9:00 ng umaga.

Magkakaroon ng tagisan sa mas mabisang tactics sa pakikipagharap ni Generals coach Nomar Isla sa bigatin nitong counterpart na si Loreto Tolentino, na naghatid sa RTU sa 6-2 kartada sa Group B.

Si Tolentino na naging utak sa tagumpay ng Philippine Christian University sa NCAA, ang naghatid sa RTU sa quar-terfinals.

Iginupo ng Rizalenos ang PATTS College of Aeronautics, 70-68, at Philippine School of Business Administration, 66-61, sa kanilang huling dalawang laro.

Makakasagupa naman ng Colegio de San Lorenzo ang newcomer Arellano University sa alas-10:30 ng umaga, kung saan makakasama nila ang kanilang consultant na si Bonnie Garcia upang tumulong sa CDSL Griffins na lusutan ang hamon ng Flaming Arrows.

Nakasandal naman ang Flaming Arrows sa coaching wisdom ni Leo Isaac para manatili sila sa kontensiyon.

Nakakuha ng slot sa quarterfinals ang Griffins matapos ang 61-47 upset victory laban sa defending champion St. Francis.

Nakapasok naman ang RTU sa quarterfinals makaraang magtapos ng 6-2 slate katabla ang National College of Business at Arts and La Salle-Dasmarinas.

ARELLANO UNIVERSITY

ARTS AND LA SALLE-DASMARINAS

BONNIE GARCIA

COLLEGE OF AERONAUTICS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FLAMING ARROWS

GROUP A

GROUP B

LEO ISAAC

LORETO TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with