^

PSN Palaro

Marquez, Lo pasok sa US bound Milo Checkmate team

-
Tinalo ng 13 anyos na si Julius Caesar Marquez ng Pulilan, Bulacan at 11 year old Kim Lo ng Quezon City ang kani-kanilang kalaban sa final round upang pagharian ang kani-kanilang age group division at masiguro ang unang dalawang slots sa pitong upuan sa pagpili ng 2005 US-bound Milo Checkmate team na ginanap noong Huwebes sa MCC headquarter sa 4F ng J&F Divino Bldg. sa Quezon City.

Pinatahimik ni Marquez si Whiz Noche ng NCR matapos ang 29 sulungan ng Caro-Kahn upang maghari sa junior division na may 3 panalo at isang talong rekord.

Sa kabilang dako, binaligtad naman ni Lo ng Quezon City ang losing position at magwagi matapos ang 41 moves ng Sicilian Variation kontra kay Raymund Astillero ng Valenzuela City at magtapos na may 4.5 puntos na may 4 wins at one draw sa paghahari sa under-12 section.

Sa under 10 bracket, nagsosyo naman ang 9- year old na si Aldous Roy Coronel ng Quezon City at Jerome Corpuz ng Nueva Ecija sa first at second top positions upang makopo ang dala-wa pa sa limang nalalabing slots.

Tinalo ni Coronel ang 7 year old na si Jose Mari Caniones sa 41 moves ng Reti habang dinispatsa naman ni Corpuz si Ivan Czar Marquez sa 32 moves ng Marshall Attack.

Kumumpleto sa cast ng 7 semifinalists na aabante sa final ay sina Antoni Angelo Seloterio, Might Noche at Astillero.

Makakaharap nila ang mga miyembro ng 2004 Milo Checkmate squad na nakatakda ngayong ala-una ng hapon.

ALDOUS ROY CORONEL

ANTONI ANGELO SELOTERIO

F DIVINO BLDG

IVAN CZAR MARQUEZ

JEROME CORPUZ

JOSE MARI CANIONES

JULIUS CAESAR MARQUEZ

KIM LO

MILO CHECKMATE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with