Patok si Denok
December 20, 2004 | 12:00am
Lagi na lang pang-suppor-ting role si Denok Miranda sa Magnolia Ice Cream-FEU dahil ang laging bida ay si Arwind Santos.
Ngunit kapag wala sa mood ang bida, kaya ni Miran-da na umangat sa spotlight upang isulong ang Wizards.
Gaya na lamang ng kan-yang ginawa noong nakaraang linggo sa PBL Open Confe-rence.
Hirap na makakuha ng puntos si Santos na dahilan para manganib ang mainit na winning streak ng Magnolia ngunit hindi nagpabaya si Miranda nang pamunuan nito ang running game ng Magnolia at umiskor ng mahahalagang puntos sa ikaapat na quarter tungo sa 64-55 panalo laban sa palabang Addict Mobile-Ateneo noong Huwebes sa Letran gym.
Naisulong ng Wizards ang ikapitong sunod na panalo para sa pinakamahabang winning streak ng torneo at palawigin ang kanilang kartada sa 9-3 win-loss slate sa likod ng nangungunang Montana Pawnshop na may 8-2 record.
Kakabit nito ay ang awto-matikong slot sa semifinals na biyaya ng top-two teams pagkatapos ng double round eliminations.
Ang lahat ng ito ay dahil kay Miranda na tumapos ng 13pts, 4-rebounds, 1-assists at 1-steal sa 24-minutong paglalaro na siyang dahilan para mapili ito ng PBL Press Corps bilang Player of the Week.
"He just showed what king of player and leader he is. Maganda ang ipinakita niya lately to us," ani coach Koy Banal ng Magnolia.
Bagamat maaaring makatabla ng Magnolia ang Granny Goose Tortillos at Welcoat Paints na kapwa may 6-5 cards sa pagtatapos ng eliminations, sigurado na sila sa top-two dahil sa superior quotient ng Wizards laban sa dalawang koponang ito
Umiskor lang ng dalawang puntos si Santos sa naturang laro dahil sa kanyang misirab-leng 1-of-7 shooting ngunit bumawi naman ito sa kanyang 8-rebounds.
Nasa alanganin na ang Mag-nolia nang dumikit ang Ateneo sa anim na puntos mula sa 18-point deficit ngunit ikinonekta ni Miranda ang isang driving lay-up na sumira sa diskarte ng Eagles.
Magpapatuloy ang second round ng eliminations sa Ja-nuary 4.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended