Nagtapos ang 20-year old na si Paragua na may 7.0 puntos katulad ni Indonesian GM Susanto Megaranto (ELO 2439), na nanalo kay top seed GM Xu Jun (ELO 2589) ng China sa 53 pushes ng Sicilian Skirmish.
Ngunit si Megaranto ang tinanghal na champion dahil sa kanyang mas mataas na tiebreak points kahit natalo sa Filipino ace sa third round.
Ang maganda lamang nito ay nagsubi din si Paragua ng isa pang GM norm, ang kanyang ikaapat sa loob lamang ng anim na buwan at ikalima sa kabuuan.
Pumayag ang former Asian Junior champion na si GM Wu Wenjin ng China sa draw sa kababayang si IM Wang Rui para magtapos sa solong third na may 6.5 points.
Nagsalo naman si Zhang, Wang at kababayang Chinese Siyuan Shen kasama si GM Yu Shaoteng, sa fourth hanggang seventh places na may 6.0 points.
Tinalo naman na isa pang Pinoy entry na si FIDE Master Julio Catalino Sadorra si Gurpeet Pal Sing ng India matapos ang 34 moves ng Old Indian Defense para iahon ang kan-yang puntos sa 5.5 points at magsosyo sa eighth hanggang 11th places kasama si top seed Xu, at IM Jason Goh at FM Weiming Goh ng Singapore.
Sa Challengers Open, tina-lo ni Rosulo Cabusora ng Isabela si Boy T ng Indonesia upang magtapos bilang fourth na may 6.5 points.
Naka-draw naman si RP 5-time executive grand champion Dr. Jenny Mayor kay Tekno Sandoya ng Indonesia para magtapos na may 5.5 points at makisalo sa eighth-to-13th places.