Dahil sa sunud-sunod na talo ng Phone Pals, nadikitan na ito ng Ginebra na kasalo na nila sa liderato dahil sa magkatulad na 11-5 win-loss slate at di na rin nakalalayo ang Turbo Chargers na may 11-6 record na pare-parehong malakas ang kontensiyon sa top-two slot na bibiyayaan ng awtomatikong semifinals berth pagkatapos ng eliminations ng kasalukuyang Gran Matador Philippine Cup.
Walang laro ngayon ang Gin Kings kaya sasamantalahin ng Talk N Text at Shell na palakasin ang kanilang kontensiyon sa top-two positions sa pakikipagharap sa magkahiwalay na kalaban sa pagpapatuloy ng eliminations sa Makati Coliseum.
Makakasagupa ng Phone Pals ang kulelat na Sta. Lucia Realty sa pambungad na laro sa ganap na alas-4:30 ng hapon habang ang Fed-Ex naman ang ssagupain ng Turbo Chargers sa tampok na laro, alas-6:30 ng gabi.
Hindi na sana magiging komplikado ang kampanya ng Talk N Text patungong semis kung namintina nila ang distansiya sa mga kalaban ngunit dahil sa kanilang apat na talo sa huling limang laro, ang pinakahuli ay kontra sa Shell noong Miyerkules, 98-103.
Gayunpaman ay hindi pa rin sila natitinag sa pangkalahatang pamu-muno ngunit malaking banta na sa kanila ngayon ang Gin Kings at Turbo Chargers.
Dahil masisibak ang dalawang kulelat na koponan, sisikapin naman ng Realtors at Express na di mapabilang dito kaya nais nilang palawigin ang hawak na 5-10 at 6-9 win-loss slate ayon sa pagka-kasunod.
Basi sa format, hindi na dadaan sa wild card phase ang top-two tems kung saan ang no. 3 at no. 4 teams ay may twice-to-beat advantage.