Dacanay lumangoy ng bagong record
December 12, 2004 | 12:00am
Nagtala si Lucia Dacanay ng bagong games record sa paghakot ng Team UAAP-Philippines ng tatlo pang gold medals matapos ang tatlong araw ng kompetisyon sa 12th Asean University Games noong Biyernes sa Surabaya, Indonesia.
Nagtala si Dacanay, ang 17-gulang at freshman sa University of the Philippines na nagmamay-ari ng SEA Games bronze medals ng one minute at 8.39 seconds para sa ba-gong games record na 100 meters backstroke.
Isa pang UP swimmer na si Evan Grabador ang luma-ngoy din ng gold sa mens 100 backstroke gayundin si Benjamin Uy ng De La Salle sa mens 100 freestyle.
Sa kabuuan mayroong seven gold medals, ang Team UAAP-Philippines upang higitan ang three golds na nakuha noong 2002 nang ihost ng bansa ang event na ito.
Sina Timmy Chua (200 breast) at Jenny Guerrero (200 breast) ng UP, Fatima Amago (100 back) ng UST at Nicole Santiago (100 free) ng Ateneo ay nag-ambag naman ng bronze.
Naging banta ang Team UAAP-Philippines sa Malaysia, na lumalaban sa halos lahat ng 10 sports, sa labanan para sa third place.
Ang Malaysia ay may 8-13-16 gold-silver-bronze tally laban sa Filipinos, 7-7-7 sa likod ng Thailand sa kanilang nalikom na 37-32-21 habang ang host Indonesia ay pumapangalawa sa taglay na-mang 26-35-25 na kapwa may malaking delegasyon sa palarong ito para sa Asean Universities.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 23, 2026 - 9:00pm
June 23, 2026 - 9:00pm
June 23, 2026 - 1:00pm
June 23, 2026 - 1:00pm