^

PSN Palaro

La Salle, Letran sososyo sa ikalawang puwesto

-
Ang makisalo sa ikala-wang puwesto ang pun-tirya ngayon ng La Salle at Letran sa kanilang paki-kipagtipan sa kani-kani-lang kalaban sa pagpa-patuloy ng aksiyon sa Shakey’s V-League se-cond conference sa Rizal Memorial Coliseum.

Tiyak na ibubuhos ng Taft Ave.-based Lady Archers ang lahat ng kanilang lakas kontra sa Lady Tamaraws na sa wakas ay nakabangon mula sa 2-sunod na talo laban sa Letran noong Huwebes.

Makikipagtipan ang La Salle, back-to-back UAAP titlist sa FEU sa ganap na ala-una ng hapon bago magharap ang Letran at Lyceum sa alas-3 ng hapon kung saan ang first game ay ipapalabas sa IBC-13 sa alas-3 ng hapon ngayon at ang second game sa Lunes.

Inaasahang magiging dikit ang bakbakan ng dalawang koponan sa event na iniisponsoran ng Shakey’s Pizza at inor-ganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.

Bagamat may 0-2 at 0-3 records ang Lyceum at San Sebastian, ayon sa pagkakasunod, nanatiling banta ang Lady Pirates at Lady Stags kung saan inaasahang babangon sila sa anumang paraan.

Inaasahan ding iba-baon sa limot ng Lyceum ang kanilang kabiguan sa FEU sa kanilang pagta-tangkang makabalikwas sa pagtutulungan nina Michelle Laborte at Cristina Salak laban sa Letran, habang ang FEU naman ay sasandal kina Ailyn Ege, Ruby May Rovira, Mary Ann Manalo at Mary Dianne Torre sa kanilang pakikipaglaban sa La Salle sa event na co-presented ng Dunkin Donuts, HBC Home of Beauty Exclusives, Smart at PLDT kung saan ang Mikasa at Accel ang official volleyball at out-fitter, ayon sa pagkaka-sunod.

AILYN EGE

CRISTINA SALAK

DUNKIN DONUTS

HOME OF BEAUTY EXCLUSIVES

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY PIRATES

LADY STAGS

LADY TAMARAWS

LETRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with