Ang enlisted member ng Philippine Air Force na si Sena-dor ay nakalikom na ng 4.0 puntos sa limang laro, ka-parehas ng puntos na naitala nina No. 7 seed Filipino GM-candidate Mark Paragua; No. 10 seed GM Salvador Del Rio Angelis ng Spain; No. 12 seed IM Karsten Volke at No. 19 seed IM Mathias Womacka na parehong pinagmamalaki ng Germany at No. 32 seed FM Pontus Carlsson ng Sweden.
Sa isang banda, natamo na-man ng 20-year-old na si Paragua ang ikalawang sunod na tabla sa kamay ni IM Volke sa kanilang fifth round match.
Makakaharap ni Paragua na tabla sa kanyang fourth round match kay No. 18 seed GM Reynaldo Vera ng Cuba si Senador sa sixth round sa all-Filipino duel.
Samantala, hiniya ni GM Vera si No. 11 seed GM Stuart Con-quest ng England sa kanilang fifth round match para sa five-man lead na may 4.5-puntos na kinabibi-langan nina No. 4 seed GM Ruben Felgaer ng Argentina; No. 6 seed GM Rodrigo Vasquez ng Chile; No. 8 seed GM Andres Rodriguez ng Uruguay at No. 20 seed GM Ruslan Pogorelov ng Ukraine.
Nahulog naman sa ika-12 hanggang ika-26 na puwesto ang isa pang Filipino entry na si No. 23 seed IM Jayson Gonzales na nagkasya sa draw kontra kay top seed Super GM Jaan Ehlvest ng Estonia.
Sina Gonzales, Conquest at Ehlvest ay nakaipon na ng tig 3.5 puntos kaparehas din ng iskor na natipon ni No. 2 seed Super GM Sergei Tiviakov ng Netherlands na nauwi din sa draw ang kanyang 5th round match kay No. 27 seed IM Leonardo Valdes ng Costa Rica.