^

PSN Palaro

Senador panalo, Paragua tabla

-
Ikinamada ni No. 21 seed Filipino NM Emmanuel Sena-dor ang ikalawang sunod na tagumpay matapos payukuin si No. 41 seed Axel Bachmann ng Paraguay tangan ang puting piyesa para makaakyat sa ikaanim hanggang ika-11 na puwesto matapos ang fifth round ng 12,600 euros (P894,600) sa 1st Chess Calvia Festival Open na ginanap kahapon sa Calvia, Majorca, Spain.

Ang enlisted member ng Philippine Air Force na si Sena-dor ay nakalikom na ng 4.0 puntos sa limang laro, ka-parehas ng puntos na naitala nina No. 7 seed Filipino GM-candidate Mark Paragua; No. 10 seed GM Salvador Del Rio Angelis ng Spain; No. 12 seed IM Karsten Volke at No. 19 seed IM Mathias Womacka na parehong pinagmamalaki ng Germany at No. 32 seed FM Pontus Carlsson ng Sweden.

Sa isang banda, natamo na-man ng 20-year-old na si Paragua ang ikalawang sunod na tabla sa kamay ni IM Volke sa kanilang fifth round match.

Makakaharap ni Paragua na tabla sa kanyang fourth round match kay No. 18 seed GM Reynaldo Vera ng Cuba si Senador sa sixth round sa all-Filipino duel.

Samantala, hiniya ni GM Vera si No. 11 seed GM Stuart Con-quest ng England sa kanilang fifth round match para sa five-man lead na may 4.5-puntos na kinabibi-langan nina No. 4 seed GM Ruben Felgaer ng Argentina; No. 6 seed GM Rodrigo Vasquez ng Chile; No. 8 seed GM Andres Rodriguez ng Uruguay at No. 20 seed GM Ruslan Pogorelov ng Ukraine.

Nahulog naman sa ika-12 hanggang ika-26 na puwesto ang isa pang Filipino entry na si No. 23 seed IM Jayson Gonzales na nagkasya sa draw kontra kay top seed Super GM Jaan Ehlvest ng Estonia.

Sina Gonzales, Conquest at Ehlvest ay nakaipon na ng tig 3.5 puntos kaparehas din ng iskor na natipon ni No. 2 seed Super GM Sergei Tiviakov ng Netherlands na nauwi din sa draw ang kanyang 5th round match kay No. 27 seed IM Leonardo Valdes ng Costa Rica.

ANDRES RODRIGUEZ

AXEL BACHMANN

CHESS CALVIA FESTIVAL OPEN

COSTA RICA

EMMANUEL SENA

JAAN EHLVEST

JAYSON GONZALES

KARSTEN VOLKE

LEONARDO VALDES

SEED

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with