Ang 16 anyos na si Suarez, ang ipinagma-malaki ng Davao Del Norte ay natalo lamang ng isang puntos sa semis kontra kay Djumailov ng Kazakhstan para makuntento sa ikatlong puwesto sa light flyweight division.
Si Suarez lamang ang medalist sa 3-man Pinoy squad na ipinadala sa torneo para sa may edad 14 anyos hanggang 17, na supor-tado ng Pacific Heights at pinamamahalaan ni coach Leopoldo Cantancio.
Ang dalawa pang boxers --sina flyweight Orlando Tacuyan at bantamweight Rolando Omila--ay bigo sa kanilang kampanya.
Si Omila ay hindi tinanggap sa laban dahil matanda ito ng isang linggo sa edad na 17 anyos na siyang limit ng event na dati ay para sa 15 hanggang 18 years old, habang si Tacuyan naman ay natalo sa second round sa pamamagitan ng puntos.
May 13 boxers mula sa 17 bansa na kanilang kinatawan ang nakapasok sa medal round kung saan na-sweep ng Kazakhstan boxers ang kanilang asignatura para sa perpektong 13-medal haul. Ang India at Korea ay may tig-9 habang ang host Vietnam ay may 7.
Sa pagtatapos, humakot ng 8 gintong medalya, isang silver at apat na bronze ang Kazakhs para sa team championships kasunod ang India na may 2 golds, 2 silvers at 5 bronze. Ikatlo ang Korea na may 1-5-3.
At sa harap ni AIBA president Anwar Chowdhry na nasa gallery, tinanghal na best boxer ng torneo si Mihammad Nazir ng Pakis-tan, ang gold medalist sa 46 kg. division.
May kabuuang 105 boxers ang nagparti-sipa sa laban na tinampukan ng 13 weight divisions.