^

PSN Palaro

Granny Goose Tortillos dapat katakutan

- Carmela Ochoa -
Ipinakita ng bagitong Granny Goose Tortillos na isa sila sa dapat katakutan sa kasalukuyang PBL Open Championship Cup matapos nilang gulanta-ngin ang Magnolia-FEU sa pamamagitan ng 68-64 overtime win sa Ara-neta Coliseum kahapon na ngayon lamang dina-law ng PBL matapos ang 10-taon.

Umiskor ang betera-nong forward na si Andy Larong ng 15-puntos, anim nito sa overtime pe-riod sa panalong ito ng Snackmasters at ang pananalasa ng Welcoat Paints sa ICTSI La Salle, 69-51 ang nagbigay sa Granny Goose ng solong liderato.

Lumagay naman ang Paint Masters sa pakiki-sosyo sa 2-2 record sa Manolia Wizards at Ar-chers matapos itala ang ikalawang sunod na panalo.

"Na-prove namin with this win ‘yung character ng team. Alam naman natin na malakas talaga na team ang Magnolia, paborito sila. Pero pinakita ng team ko na kaya nilang sumabay," ani coach Jun Tan ng Granny Goose.

Si Larong ang pumu-kol ng three-pointer sa huling 2:18 minuto ng laro na nagbigay sa Snack-masters ng 62-57 lead at ang kanyang lay-up ang nag-angat pa sa Granny Goose sa 64-58 may 68 segundo na lamang.

Nakalapit ang Wi-zards sa 64-67 ngunit na-split ni Larong ang kanyang charities, 2.4 segundo na lamang.

Katulong ni Larong sina Toti Almeda at Marvin Cruz sa kanilang 14 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod habang may 10-rebounds na-man si Abby Santos.

ABBY SANTOS

ANDY LARONG

GRANNY GOOSE

GRANNY GOOSE TORTILLOS

JUN TAN

LA SALLE

LARONG

MANOLIA WIZARDS

MARVIN CRUZ

OPEN CHAMPIONSHIP CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with