Motolite Philippine 9-Ball Open sasargo na
October 24, 2004 | 12:00am
Magsisimula na ng kani-kanilang kampanya ang mga finalists sa P500,000 Motolite Philippine 9-Ball Open bukas sa Casino Filipino sa Para-ñaque City.
Isinunod sa knockout phase ng World Pool Cham-pionships, ang finals ng limang araw na event na tatawagin ding Fil-9 ay gagamit ng winners break format. Isasa-ere ng organizing Solar Sports ang laro mula alas-2 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi sa pagtataguyod ng The Philip-pine Star, Motolite, Pioneer Epoxy, PCSO, DOT at Emperador Brandy.
Ang 32 survivors ng unang dadagsa ay gagarantiyahan ng P5,000 premyo.
Ilan sa mga dapat abangang pares na maglalaban-laban ay sina top seed Ramil Gallego kontra sa 64th seed Fidel Punzalan; third seed Dennis "Surigao" Orcullo vs 62nd seed Bernard Marbella; sixth seed Marlon " Marvellous" Manalo laban kay 59th seed Art Palma; 29th seed Warren "Warrior" Kiamco kontra 36th seed Alfredo Pelegrina; at ang 11th seed na si Gandy Valle vs naman sa 54th seed at boxing hero na si Manny Pacquiao.
Isa rin sa dapat bantayan ay ang beteranong campaig-ner na si Ronnie "Calamba" Alcano na seeded 46th lamang dahil sa hindi magandang ipinakita sa qualifying. Ngunit hindi dapat maging basehan ang seedings niya para maging paborito bagamat seeded 19th ang kanyang unang kakalabanin na si Richard Aguilar.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended