^

PSN Palaro

Wala nang atrasan ang 2005 SEA Games - Malakanyang

-
Tiniyak ng Malakanyang na hindi madidiskaril ang pagdaraos sa bansa ng 2005 SEA Games at ang paghahanda rito ay hindi maaapektuhan ng problemang pinansiyal na kinakaharap ng pamahalaan.

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, nagpalabas na ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng direktiba sa lahat ng kinauukulang ahensiya ng gobyerno na makipagtulungan sa Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission at Philippine SEA Games Organizing Committee para sa maayos na preparasyon, organisasyon at mahusay na pagdaraos sa bansa ng SEA Games, ang pinakamalaking palaro sa rehiyon.

Sinabi ni Ermita na may pinalabas na rin siyang direktiba kay PHILSOC Chairman Roberto Pagdanganan na tukuyin ang mga institusyong pinansiyal ng gobyerno at korporasyong pag-aari ng pamahalaan na puwedeng magtaguyod ng ilang bahagi ng palaro.

Inatasan din ni Ermita ang Philippine Amusement and Gaming Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office na magkontribusyon sa ilalaang pondo para sa pagdaraos sa bansa ng SEA Games sa susu-nod na taon.

Ang Department of Public Works and Highways ay inatasan din ng Malakanyang na maglaan ng P50 milyon para sa rehabilitasyon ng mga pasilidad na pagdarausan ng SEA Games sa Metro Manila, Cebu City at Bacolod City.

Huling idinaos sa bansa ang SEA Games noong 1991. Bukod sa Pilipinas ang iba pang bansang kalahok sa pangrehiyong kumpetisyon ay ang Brunei, Cambodia, East Timor, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam. (Ulat ni LATolentino)

ANG DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

BACOLOD CITY

CEBU CITY

CHAIRMAN ROBERTO PAGDANGANAN

EAST TIMOR

ERMITA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

GAMES ORGANIZING COMMITTEE

MALAKANYANG

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with