^

PSN Palaro

Welcoat sinagasaan ng Toyota-Otis

-
Ang buong puwersa ng Toyota Otis-Letran ang kanilang ginamit sa ikaapat na quarter upang lukuban ang Anthony Washington-power ng Welcoat upang maisubi ang kanilang buwena-manong panalo, 63-52 sa pagbubukas ng PBL season-ending Open Championships sa Pasig Sports Center kahapon.

Kumamada ng 17 puntos ang Letran Knights sa ikaapat na quarter at nilimitahan naman nila ang Paint Masters sa pitong puntos upang tuluyang makawala sa mahigpit na hamon ng kalaban.

Nagpasiklab ang rookie Fil-Am player ng Paint Masters na si Anthony Washington sa pagposte ng double-double performance ngu-nit nauwi ito sa wala dahil sa kakulangan ng suporta mula sa kanyang mga kasama.

Nagtala ang six-foot-seven na si Washington ng 19-puntos at 12-rebounds ngunit siya lamang ang tumapos ng double digit sa Welcoat, habang naging pantay naman ang distribusyon ng puntos sa panig ng Letran.

Nauna rito, isang ma-kulay na seremonya ang ginanap kung saan panauhing pandangal ang Olympic veteran na si Tony Rivero ng taekwondo at ang nagdeklara ng pormal na pagbubukas ng torneo ay ang PBL chairman na si Raymund Yu ng Welcoat.

Sa ikalawang laro, umabot sa double over-time ang laban ng Mon-tana at Magnolia bago naisubi ng Wizards ang 82-75 panalo laban sa Jewelers. (Ulat ni CVO)

ANTHONY WASHINGTON

FIL-AM

LETRAN KNIGHTS

OPEN CHAMPIONSHIPS

PAINT MASTERS

PASIG SPORTS CENTER

RAYMUND YU

TONY RIVERO

TOYOTA OTIS-LETRAN

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with