Makakasama ni Suarez, sina 4-time World Cup champion Paeng Nepomuceno, Chester King, Joonee Gatchalian, Biboy Rivera, R.J. Bautista, Benny Dytoc at 19 pang ibang bowlers sa panimula ng tatlong araw na event.
Irorolyo nila ang 12 games simula sa ganap na alas-11 ng umaga, ang top 28 finishers ay aabante sa susunod na round sa SM Megamall kung saan lalaro uli sila ng 12 games para madetermina naman ang top 8 na maglalaban-laban sa Paengs Eastwood Bowl mula quarterfinals hanggang finals.
Ang mens champion ang magsusuot ng kulay ng Pilipinas sa 2004 World Cup International na nakatakda sa SAFRA Clubhouse sa Telok Blangah, Singapore sa Disyembre 2-15.
Si Suarez ang nanguna sa national finals sa ikalawang pagkakataon noong nakaraang taon at nakopo ang titulo sa World Cup na ginanap sa Tegucigalpa, Hondura.
Sa kabilang dako naman, si Nepomuceno ang natatanging 4-time winner ng prestihiyosong individual competition na ito at matapos ang matagal na pamamahinga magbabalik uli ito.