PBA Gran Matador Philippine Cup: Ikatlong panalo susungkitin ng Phone Pals
October 13, 2004 | 12:00am
Maganda ang inilaro nina Asi Taulava, Jimmy Alapag at Willie Miller sa unang dalawang panalo ng defending champion Talk N Text ngunit ang susi sa kanilang maagang pagpuwesto sa pang-kalahatang pamumuno ng PBA Gran Matador Philippine Cup ay ang impresibong laro ni Mark Telan.
Kaya sa target na ikatlong sunod na panalo ngayon ng Phone Pals, hindi lamang si Taulava, hindi lamang si Alapag at hindi lamang si Miller ang inaasahan ni coach Joel Banal kundi lalo na si Telan.
"Whenever he plays good, we win," pahayag ni Banal ukol kay Telan na may average na 19.0 points sa 93-89 panalo kontra sa San Miguel noong opening day, Oct. 3 at ang 94-86 tagumpay sa Alaska noong Biyernes sa Makati Coliseum. " I just hope he can sustain his impressive showing."
Dahil dito nakakaramdam ng panganib si Banal sa kanilang laban kontra sa FedEx sa alas-4:30 ng hapon sa Araneta Coliseum dahil sa impresibong panalo ng Express laban sa mapanganib na Red Bull noong Biyernes, 102-95.
Sa likod ng pagkawala ni coach Joe Lipa na nasa Iran para I-coach ang RP junior team kumampanya sa Asian Basketball Confederation Juniors tournament at nabalewala ang naipundar na 20-puntos na kalamangan, naipreserba ng Express na minanduhan ni assistant coach Jojo Villa ang panalo upang diskarilin ang plano ng kanilang dating player na si Vergel Meneses na kanilang ipinasa sa isang trade sa Barakos.
Sa pagbabalik ni Lipa, maaasahan nito sina John Ferriols, rookie Mark Pingris, Omanzie Rodriguez at iba pa para sa kanilang hangad na ikalawang sunod na panalo.
Kakailanganin ni Telan ang tulong nina Paul Asi Taulava, Jimmy Alapag at Willie Miller upang makakalas sa kanilang pakikisosyo sa pamumuno sa Purefoods TJ Hotdogs na may 2-0 kartada rin at solohin ang liderato.
Maghaharap naman ang magkapatid na kumpanyang San Miguel Beer at Barangay Ginebra sa tampok na laro sa dakong alas-7:30 ng gabi bilang main game.
Matapos mabigo sa kani-kanilang debut game, kapwa nakabawi ang SMBeer at Ginebra sa kanilang sumunod na laro para sa 1-1 pagtatabla kasama ang isa pang sister team na Coca-cola na walang laro ngayon.
Tinalo ng Ginebra ang Sta. Lucia noong Linggo, 88-84 upang makabangon sa 87-104 pagkatalo sa Purefoods habang iginupo ng Beermen ang Realtors sa Zamboanga City noong Huwebes, 79-73 matapos mabigo sa kanilang opening game.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Red Bull at Shell sa Cagayan de Oro City. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended