^

PSN Palaro

Bagong hari sa NBA?

GAME NA! - Bill Velasco -
Magsisimula na sa unang linggo ng Nobyembre ang NBA, at higit sa 100 player ang naglipatan ng koponan. Sino ngayon ang maghahari? Makakaulit pa ba ang Detroit Pistons sa pagiging kampeon?

Kung susuriin, buo pa ang Pistons. Nadagdagan pa kamo ni Antonio McDyess, bagamat 94 lang ang larong natikman niya sa huling apat na taon. Ang kapansin-pansin sa Pistons ay masyadong dominado ng starting five ang mga stats. Sa katunayan, bihirang-bihira silang magbago ng first five. At ngayon, dagdag na mitsa sa kalaban ang patumbahin sila.

Kung sisipatin naman ang malakas na Minnesota Timberwolves, maaari ring sabihing handa na sila sa kampeonato.

Kaya?

Nakalista si Kevin Garnett sa top 10 sa 21 estadistika, at wala nang mas perpektong player sa NBA. Pero pag tinignan naman ang oras, mahigit 40 minuto and nilalaro nila ni Latrell Sprewell bawat gabi. Tumataas pa ito tuwing playoffs. Tatagal kaya sila kung makikipagbakbakan sa lalo pang pinalakas na Western Conference?

At nabanggit ang West, sa Texas pa lang ay marami nang babagsak. Buo ang San Antonio Spurs, at maipagmamalaki ang tuloy na pagganda ng laro ni Tony Parker at Manu Ginobili. Di na kailangang banggitin si Tim Duncan, na kailangan lang ng konti pang suporta para makuha ang isa pang tropeo.

Sa panig ng Dallas, sa magkasunod na taon ay paangat ang kanilang laro. Subalit, sa paglipat ni Steve Nash sa Phoenix, isang malaking butas ang nawala sa pagpapatakbo ng kanilang opensa. Mahirap siyang palitan.

Ang pangatlong mabangis na katapat sa Texas at di dapat kaligtaan ay ang Houston Rockets. Sa pagdating ni Tracy McGrady at malalakas na suporta, tumaas lalo ang tsansa ni Yao Ming na makakuha ng kampeonato. Nakuha pa nila si Dikembe Mutombo, na di gaanong nagamit ng New York Knicks at New Jersey Nets sa nakaraang dalawang taon. Dagdag pa rito si Patrick Ewing, na assistant coach. Halata bang minamadali nilang malubos ang kakayahan ni Yao?

Di tayo kumpleto kung malilimutan natin ang Miami Heat at Los Angeles Lakers. Marami ang nagsasabing sa pagdating ni Shaquille O’Neal, madali nang umangat ang Heat. Malakas nga sila, lalo’t may Eddie Jones. Pero, bagamat bilib si Shaq sa point guard niyang si Dwyane Wade, hilaw pa ito’t madalas mapasubo sa turnover.

Huli sa lahat, ano ang tsansa ng Los Angeles Lakers? Ngayong wala na si Shaq, Karl Malone at Rick Fox, tanging si Kobe Bryant ang magdadala. Di sila nakakalayo.

Marami pang pwedeng mangyari sa NBA. Abangan.

DETROIT PISTONS

DIKEMBE MUTOMBO

DWYANE WADE

EDDIE JONES

HOUSTON ROCKETS

KARL MALONE

KEVIN GARNETT

KOBE BRYANT

LATRELL SPREWELL

LOS ANGELES LAKERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with