High tech' bike ng mga Hapones para sa 2 ginto
October 10, 2004 | 12:00am
PUERTO PRIN-CESA - High tech custom made at mamahaling mountain bikes na nagkakahalaga ng milyun-milyon ang dala ng mga hapon para magpasikat sa downhill event elite men at womens ng 10th Asian Mountainbike Championships na ginanap sa isang bahagi ng forest reserve sa Sitio Magarwak, Brgy. Sta. Lourdes dito.
Nagtala ng 2 gold finish ang mga Hapones sa pangunguna nina Yasushi Adachi at Mio Suemasa na kumopo ng gold medal sa mens at womens divison, ayon sa pagkakasunod.
Ngunit naging sentro ng atensiyon ang mga bisikleta ng powerhouse Japan lalo na ang US$70,000 (mahigit P4 milyon) Honda mountain bike ni Miho Kamoshita na pinasadya nito sa United States ngunit naghatid lamang sa kanya ng silver medal finish sa womens cate-gory.
Matapos magkasya sa silver medal finish noong 2001 at 2002 Asian Championships, isinubi ng 27 anyos na si Adachi ang gold nang tapusin nito ang 1.7 km na kurso sa loob lamang ng dalawang minuto at siyam na segundo.
Pumangalawa naman si Hiroki Maruyama na nahuli lamang ng 3.77 segundo para sa silver medal habang nag-third ang 1997 at 1999 SEA Games silver medalist na si Setiawan Sugianto ng Indonesia na may oras na 2:14.70.
Tinalo naman ng 21 anyos na si Suemasa, silver medalist sa world championships sa France noong nakaraang buwan, ang mas mamahalin at mas high tech na bike ni Kamoshita, na nagtapos na may oras na 2:32:97 minuto, mas mabilis ng 7:30 segundo sa kanyang kababayan sa womens category.
Ang bronze naman ay napunta kay Riusa Suseanty, three-time SEA Games gold medalist at silver medalist sa Busan Asian Games sa tiyempong, 2:53:39, may 20.42 segundong distansiya kay Suemasa.
Naging makulimlim naman ang kampanya ng Pinoy riders.
Si Joey Barba ang may pinakamagandang tinapos na pang-17th sa mens category habang sa juniors, pang-11th naman si Michael Borja at kulelat si Parabanne Mendoza tulad ni Athena Beltran sa womens.
Nasilat din ang junior rider na si Jefferson Odviarsa sa bronze nang magmiss ito ng isang jump kaya si Chun Kau Tsui ang nakahuha ng third place sa tiyempong 2:39:56 minuto sa likod ng kanyang kababayan na si Ka Ho Liu na nakagold (2:18:13) at Mohham-madreza Hosseinizadeh ng Iran ang silver (2:36:46).
Ilalarga ngayon ang cross country event na may 5.6 kilometrong dis-tansiya kung saan pangunahing pambato ng bansa sina Eusebio Quinones, Frederick Feliciano at Niño Surban at Marites Bitbit.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended