4th Shell Invitatioanl cagefest: Red Bull lumapit sa titulo
September 29, 2004 | 12:00am
Lumalapit ang Red Bull Barako sa kanilang kampanya para sa titulo ng 4th Shell Invitational basketball tournament sa Brunei noong Lunes matapos na igupo ang Jones Cup champion You Lon ng Chinese-Taipei, 100-93 sa panimula ng round-robin semifinals sa Berakas indoor gym.
Umiskor ng tatlong triples ang Fil-Am point guard na si Denver Lopez, na sinundan ng ikatlong dunk shot ni Rico Villanueva sa harapan ng 67 Taiwan import na si Cedric McGinnis mula sa pasa ni Lopez at ninakaw naman ni Lordy Tugade ang bola kay Chan Au upang umiskor uli ng dunk sa huling bahagi ng laban upang iselyo ang tagumpay ng Barakos.
Pinapurihan ni team manager Tony Chua ang Barakos dahil sa kanilang malaking puso.
Binomba naman ng Koreas professional team Hankook Raiders ang isa pang Philippine squad--ang Spring Cooking Oil-Laguna ng mahigit sa 20 puntos sa isa pang semifinal match.
Naghabol ang Red Bull sa 22-23 at 44-49 sa unang dalawang quarter, ngunit naagaw nila ang trangko sa bungad ng final period matapos na iposte ang 74-68.
Bunga ng kanilang panalo, kailangan na lamang ng Red Bull at Koreans na manalo ulit upang isaayos ang kanilang titular showdown.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am