Tinalo ni Laylo ang kapwa niya NM na si Rolando Nolte matapos ang 56-move ng Center-Counter Game kahapon upang trangkuhan ang pangunguna matapos na makaipon ng kabuuang 8 puntos kung saan may-roon lang itong kalahating puntos na agwat sa dating co-leader na si Jayson Gonzales at International Master Chito Garma na kapwa nanaig sa kani-kanilang kalaban.
Pinisak ni Gonzales ang 10-anyos na si Wes-ley So sa 42 moves ng Kings Indian Defense, habang nanaig naman si Garma kay Rolando Joseph Perez sa 59 sulu-ngan ng French Defense.
Ang panalo ng dalawa ay nagkaloob sa kanila ng 7.5 puntos sa pagtatapos ng 11th round.
Ang top three finishers sa mens at top four sa womens team ang siyang kakatawan sa bansa para isabak sa World Chess Olympiad sa susunod na buwan na gaga-napin sa Majorca, Spain.
Nawala sa pangunguna si Gonzales matapos na yumukod ito kay IM Barlo Nadera sa 10th round noong Biyernes ng gabi.
Naglaro na hawak ang mga itim na piyesa, pinili ni Gonzales na igalaw ang kanyang king sa halip na h2 na siyang naging sanhi upang mapigil si Nadera na makuha ang kanyang Bishop sa g1 na sanay nagdala sa draw ng kanilang bishop at pawn endgame.
Hindi naman gaanong nakakalayo sina NMs Oliver Barbosa at Emmanuel Senador matapos na huma-tak ng draw sa kani-kanilang laban.
Nakipaghatian ng puntos si Barbosa, ang top qualifier kay Rodolfo Diaz Jr., habang nakipagkasundo naman si Senador kay NM Mirabeau Maga sa draw makaraan ang 63 moves ng Catalan upang iposte ang kanilang total output na 7 puntos.
Sa womens division, ginapi ng reigning Womens National Open champion WFM Sheerie Joy Lomibao si WNM Kathryn Ann Cruz sa 40 moves ng English Open-ing upang agawin ang pangunguna matapos ang 5 puntos na produksiyon.