Dahil dito, kailangang mapuwersa ni Paragua na ma-sweep ang kan-yang susunod na tatlong laban upang maka-iskor ng hindi bababa sa 3.5 puntos sa kanyang huling apat na laban upang makumpleto ang kan-yang Grandmasters requirements.
Maaaring makuha ng 20-anyos na si Paragua ang kanyang third at final GM-norm sa pagtatapos ng 14th at penultimate round ng chessfest na ito kung saan makakaharap niya ang ikatlong GM sa field na si Veniamen Shtyrenkov ng Russia at kailangan niyang manalo rito upang makaipon ng 10.5 puntos.
Bukod sa pagkumpleto ng kanyang GM requirements, tangka ni Paragua na maging kauna-unahang Pinoy na nanalo ng dalawang sunod sa closed tournaments sa dating Soviet Union Republic.