^

PSN Palaro

Walang gustong lumaban kay Pacquiao

-
Lalong dumilim ang tsansa na mapapasabak pa sa taong ito si Manny Pacquiao matapos piliin ng kampo ni Scott Harrison ang Europe-based Ethiopian na si Samuel Kebede bilang kalaban para sa Oktubre 29 sa Braehead Arena sa Glasgow, Scotland.

Umaasa ang kampo ni Pacquiao na pinangungunahan ni Rod Nazario na magagawan ng paraan na ipares sina Pacquiao at Harrison sa Nobyembre o kaya’y sa Disyembre subalit sa isang report ng British Broadcasting Corporation ay nalaman na plantsado na ang Harrison-Kebede fight.

Sa kasalukuyan ay nasa Hollywood, California, si Pacquiao at nagsasanay sa Wild Card Boxing Club ni Freddie Roach kasama ang trainer na si Buboy Fernandez at kapatid na si Bobby Pacquiao at si Z Gorres ng Cebu.

Dahil hindi mabigyan ng laban ni promoter Murad Muhammad ay nanganganib na ang New Jersey-based promoter na tanggalin bilang miyembro ng Team Pacquiao oras na matapos na ang kanyang kontrata sa Enero 2005.

"Sa tingin ko ay hindi na nasisiyahan sina Manny sa performance ni Murad," wika ng isang malapit sa management team ni Pacquiao, ang kinikilalang top featherweight sa mundo.

BOBBY PACQUIAO

BRAEHEAD ARENA

BRITISH BROADCASTING CORPORATION

BUBOY FERNANDEZ

FREDDIE ROACH

MURAD MUHAMMAD

NEW JERSEY

PACQUIAO

ROD NAZARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with