"There are plenty of fine players in the UAAP, NCAA and other collegiate leagues in Metro Manila right now so Im certain we can discover a new crop of exciting players," ani Trinidad. "Im also hoping that some players from Visayas and Mindanao will show up this time and be part of the league."
Ayon pa kay Trinidad, mas maraming manlalaro sa collegiate league ang maaring madiskubre at mabibigyan ng sapat na exposures para maging katulad ng mga sikat na players tulad ni Johnny Abarrientos at iba pang PBA players na galing sa PBL.
Magkakaroon din ng PBL Rookie Draft Pick sa Oktubre 1 kung saan ang mga suma-ilalim sa Aspirants Camp ay makakabilang sa pagpipilian ng mga beteranong coach sa naturang liga.
Ang huling araw ng pagsu-sumite ng Draft forms ay sa Setyembre 28 bago mag-alas-12 ng tanghali.
Sa ngayon kinukunsidera ng Hapee Toothpaste, na mag-papalakas sa kanilang kam-panya, ang mga malalaking pangalan sa NCAA at UAAP, para mapanatili ang kanilang korona.
Nanatili namang team-to-beat ang Viva Mineral Water-FEU, na kakampanya sa kani-lang back-to-back cham-pionships dahil halos intact ang kanilang lineup.
Bukod sa Viva-FEU, Hapee at Welcoat, na kasama pa rin sa season-ending tournament, ay ang Toyota Otis-Letran, Montana Pawnshop at Lee Pipes.
Hindi pa nagpapahayag ng official statement ang Blustar Detergent kung makakasama pa sila sa susunod na confe-rence ngunit umaasa ang league officials na magiging bahagi pa rin sa season-ending tournament ang ICTSI-La Salle at Sunkist.
Para sa iba pang detalye, tumawag kina Butch Maniego o Lani Sagayap sa Tel. Nos. 897-6383 or 895-6483. (Ulat ni DMV)