^

PSN Palaro

Junior chess title walang kawala sa UE

-
Isiniguro na ng University of the East ang kanilang unang championship trophy sa Season 67 nang ilista ng junior chess squad ang kumbinsidong panalo na hindi na kayang abutin may isang round pa ang nalalabi sa laban.

Umiskor si Nelson Mariano III ng back-to-back na tagumpay makaraan ang 49 moves ng Owen’s Defense kontra kay Mark Christian Gamboa ng UST at 46 sulungan ng King Indians Defense kay Albert San Miguel ng Ateneo noong linggo upang pangunahan ang UE sa hindi maabot na posisyon sa six-team juniors field.

Tinalo ng UE ang UST, 3-1 at Ateneo, 3.5-.5 para sa kabuuang 30.0 points, na sapat upang mapanatili ang juniors crown kahit na matalo pa ito sa lahat ng apat na laban sa Round 10 kontra sa National University sa Sabado.

Sa men’s, patungo na rin sa pagkapit sa hinahawakang korona ang De La Salle sa kanilang naiipon na 33.0 points matapos ang 12 rounds, habang namumuno naman sa kababaihan ang UST na may 33 points din.

Sa volleyball, dalawang panalo na lamang ang kulang sa De La Salle para ma-sweep ang laban at awtomatikong mapanatili ang korona sa kababaihan makaraang itala ang 11 sunod na panalo sa UAAP volleyball noong Linggo sa UP Human Kinetics gym sa Diliman.

Pinayuko ng Lady Archers ang Ateneo sa loob ng 56 minuto at ipalasap sa Lady Eagles ang kanilang ikasiyam na kabiguan sa 11 asignatura sa pamamagitan ng 25-17, 25-14, 25-16 score.

Mas maikli ang oras ng UP nang igupo nila ang National U sa men’s side makaraang umiskor ng 44 minute 25-14, 25-14, 25-9 panalo. Tangka ng Maroons ang ika-12th na panalo bukas kontra sa UST sa laban kinansela noong Setyembre 1 dahil sa malakas na ulan.

Sa iba pang laban bukas, sa kababaihan, maghaharap ang Ateneo at UE na natalo noong Linggo sa FEU, 25-21, 25-21, 25-22.

Sa resulta sa kalalakihan sa laban noong Linggo, tinalo ng Adamson ang UE, 25-20, 25-22, 22-25, 25-16; ginapi ng FEU ang UST, 29-27, 25-20, 25-17; at pinigil ng reigning titlist De La Salle ang Ateneo, 25-13, 25-18, 25-20.

Sa kababaihan, nakalusot ang UST sa NU, 25-9, 25-8, 25-16, at pinabagsak naman ng Adamson ang UP, 25-17, 25-21, 25-23.

ADAMSON

ALBERT SAN MIGUEL

ATENEO

DE LA SALLE

HUMAN KINETICS

KING INDIANS DEFENSE

LADY ARCHERS

LADY EAGLES

LINGGO

MARK CHRISTIAN GAMBOA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with