Ang kakaibang routine na may pinagsama-samang jazz, hip-hop modern at ballet dance step tampok ang propeller toss kung saan tatlong kababaihan na nakapormang elisi ay pinaikot sa ere, ang naging bentahe ng Salinggawi para makaani ng 93.60 points. Bilang gantimpala para sa kanilang dalawang buwang paghahanda at pag-eensayo, ibinulsa ng UST Cheerleaders squad ang champion prize na P115,000.
Tinanghal naman bilang runner-up ang four-time champion na Uni-versity of the Philippines Pep squad na umani ng 90.56 puntos para sa konsolasyong P75,000.
Ang FEU Pep squad naman ang third placer matapos umiskor ng 87.09 puntos para sa P45,000 third prize.
Sa womens basketball, nakalapit ang DLSU Lady Archers sa Final Four matapos na iangat ang record sa 6-5 sa pamamagitan ng kanilang 42-35 panalo kontra sa FEU Lady Tamaraws na bumagsak sa 5-6 record.
Sa iba pang aksiyon sa womens na ginanap sa Adamson gym kahapon ng umaga, kapwa nagtagumpay ang mga semifinalists at may twice-to-beat nang defending champion AdU Lady Falcons, 76-37 at UST Lady Tigresses, 73-63, ayon sa pagkakasunod.