Batang Pinoy chessers 3 place
September 13, 2004 | 12:00am
Itinakas ni Wesley So ang medalyang ginto sa boys 12-under rapid event upang pamunuan ang kampanya ng Philippines sa 3rd place finish sa 5th ASEAN Age-Group Chess Championships na ginanap sa VungTau, Vietnam kamakailan.
Tumapos ang 10-anyos na si So ng 8.5 puntos sa pagsasara ng nine-rounds upang makopo ang korona kung saan lamang ito ng dalawang puntos kontra sa mahigpit na kalaban na si Chung Juen Sen ng Singapore.
Nagbulsa rin si So ng ginto sa standard event matapos na makisalo sa unang puwesto sa isa pang Singaporean na si Terry Chua upang idagdag sa kabuuang limang ginto ng bansa.
Ang iba pang batang chessers na nagbigay ng ginto sa bansa ay sina Jan Nigel Galan nang kumubra ito ng dalawa matapos na mapagwagian ang individual rapid sa boys 10-under play, bago nakipagtambal kay Marc Christian Nazario para mapanalunan ang team event.
Ibinigay naman ng first-time international campaigner na si Jedara Docena ang nag-iisang ginto sa kababaihan matapos na dominahin ang rapid event sa girls 12-under class. Nag-uwi rin ang RP youth chessers ng pitong silvers at pitong bronze.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am