Sila ang lumalabas na parang Ateneo at La Salle crowd ng UAAP dahil buong buo ang suporta sa kanila ng San Beda community. Sila din lang ang kumakanta pa ng alma mater song nila pagkatapos ng bawat laro, manalo man sila o matalo.
Sa pagpasok ng San Beda sa round of four, dapat na mangamba sa kanila ang Perpetual Help College ni Bai Cristobal. Nasa peak ang San Beda at grabe ang morale ng team dahil biruin mo nga namang wala ng pag-asa sa Final Four eh hayan at nabuhayan pa.
Kawawa naman ang bata. Na-dislocate ang tuhod at kinailangang itakbo sa Manila Doctors Hospital. Kahapon ng umaga, dinala na siya sa Cardinal Santos Hospital para magpa-MRI test.
Umaasa si Salud na wala sanang operasyon na mangyari.
Ikahuling taon na ito ni Arjun sa NCAA and he wants it to be truly memorable.
Ipinangako niyang gagawin niya ang lahat para manalo sila sa Perpetual Help sa kanilang Final Four duel. Alam nilang mahirap ang gagawin nilang manalo ng 2 beses laban sa Perpetual pero makakaya daw nila ito.
Kulang sila ng walo o siyam na player kaya sila nagpatawag ng tryouts.
Ito ay gaganapin sa Pasig Sports Center, alas-dos ng hapon. Please lang, yung mga walang karapatan ay huwag nang magpunta dahil sayang ang oras at pagod ninyo at sayang din ang oras ng mga taga-Welcoat. Tawagan nyo si coach Boy Lapid for more details sa 0917-8432914.