NCAA Mens Basketball: San Beda nakahabol sa Final 4
September 9, 2004 | 12:00am
Ang San Beda College Red Lions ang nakahabol sa huling biyahe at kumumpleto sa Final Four.
Kinailangan ng SBC Red Lions ang kabayanihan ni Arjun Cordero sa endgame upang makawala sa palabang Mapua Institute of Technology tungo sa 59-52 panalo sa kanilang gitgitang playoff game kahapon sa NCAA mens basketball tournament sa Araneta Coli-seum.
Umiskor si Cordero, siyam na mahahalagang puntos sa kanyang tinapos na 14 sa ikaapat na quarter upang idistansiya ang San Beda na naging daan para maangkin nila ang ikaapat at huling slot sa Final Four na magsisi-mula sa Biyernes sa Big Dome din.
Makakalaban ng Bedans ang No. 1 team na host University of Perpe-tual Help Dalta System na may twice-to-beat advantage tulad ng Philippine Christian University bilang top two teams dahil sa kanilang 10-4 record at sa isa pang semis match ay ang PCU Dolphins at ang No. 3 na defending champion Colegio de San Juan de Letran.
Tatlong puntos lamang ang agwat ng San Beda ngunit umiskor si Cordero ng tres at lay-up para sa maluwang na 57-52 kalamangan. Bagamat nanatiling may banta ang MIT Cardinals matapos ang tres ni Sean Co, 52-57, umiskor ng shot clock beating jumper si Cordero 59-52 kalamangan, 46 segundo pa ngunit hindi maikonekta ng Mapua ang kanilang mga kinakailangang tres.
Naapektuhan ang Mapua sa pagkakadisgrasya ni Andrew Salud na na-dislocate ang buto sa tuhod dahil sa kanyang masamang pagbagsak sa kaagahan ng ikatlong quarter at agad itong isinugod sa ospital.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended