Katunayan, hinakayat ni POC president Celso Dayrit ang gold medalist at Fil-Am na si Nathalie Coughlin ng US Olympic Teams na katawanin ang bansang Pilipinas sa mga international competitions.
"Pumayag yung nanay ni Nathalie, pero si Nathalie na raw ang bahalang magdesisyon," pahayag kahapon ni POC media officer Gus Villanueva.
Sa Athens Olympics Games, humakot ng limang medalya si Coughlin para sa US team kasama na dito ang gold medal sa team relay.
Sinabi ni Dayrit, na papayagan lamang ng US Olympic Committee (USOC) si Coughlin na katawanin ang RP team sa Asian Games at Southeast Asian Games.
Posible ding mahikayat ng POC si Coughlin na lumahok sa 2005 Southeast Asian Games sa bansa at sa 2006 Asian Games sa Doha, Qatar.
"But that is just a possibility," sambit pa ng POC chief sa Fil-Am tanker.
Apat na Fil-Am swimmers ang nakita sa aksiyon para sa RP squad sa Athens Games. Ito ay sina James Bernard Walsh, Jacklyn Pangilinan, Miguel Mendoza at Miguel Molina.