^

PSN Palaro

POC pursigido sa Fil-Am swimmer na si Coughlin

-
Matindi ang pagnanais ng Philippine Olympic Committee na makakuha ng Fil-Am athletes na makakapagbigay ng gintong medalya sa ating bansa.

Katunayan, hinakayat ni POC president Celso Dayrit ang gold medalist at Fil-Am na si Nathalie Coughlin ng US Olympic Teams na katawanin ang bansang Pilipinas sa mga international competitions.

"Pumayag ‘yung nanay ni Nathalie, pero si Nathalie na raw ang bahalang magdesisyon," pahayag kahapon ni POC media officer Gus Villanueva.

Sa Athens Olympics Games, humakot ng limang medalya si Coughlin para sa US team kasama na dito ang gold medal sa team relay.

Sinabi ni Dayrit, na papayagan lamang ng US Olympic Committee (USOC) si Coughlin na katawanin ang RP team sa Asian Games at Southeast Asian Games.

Posible ding mahikayat ng POC si Coughlin na lumahok sa 2005 Southeast Asian Games sa bansa at sa 2006 Asian Games sa Doha, Qatar.

"But that is just a possibility," sambit pa ng POC chief sa Fil-Am tanker.

Apat na Fil-Am swimmers ang nakita sa aksiyon para sa RP squad sa Athens Games. Ito ay sina James Bernard Walsh, Jacklyn Pangilinan, Miguel Mendoza at Miguel Molina.

ASIAN GAMES

ATHENS GAMES

CELSO DAYRIT

COUGHLIN

FIL-AM

GUS VILLANUEVA

JACKLYN PANGILINAN

JAMES BERNARD WALSH

MIGUEL MENDOZA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with